• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-09-09 09:46:43    
Rio Nobleza, Boy Jacutin at Pablo Cruz: tuloy ang saya sa Paralympics

CRI

Alam ko na makikita rin namin ang luster ng Olympics sa darating na Paralympics, kaya tuloy ang saya sa September! Sinundan ko ang Olympics from day one all the way hanggang finale.

Rio Nobleza
Tanauan City, Batangas

Kuya Ramon, napanood ko ang maganda ninyong palabas noong nagsimula ang Olympic Games. Sa artistic way, naipakita ng palabas ang pinagdaanan at patutunguhan ng China. Sa mga balita ninyo ako nag-rely sa mga official results ng Olympic events. Salamat sa inyo, hindi ako nahuli sa balita.

Boy Jacutin
Mindoro

Walang naiuwi ni isa mang medalya ang mga atleta natin na sumabak sa 29th Olympiad pero nakapag-uwi naman ng ginto, pilak at tanso ang mga manlalaro natin sa demonstration sport na wushu na ginanap during Beijing Games. Dapat nating ipagmalaki ang mga medalists na ito pero huwag naman nating kalilimutan iyong mga non-medalists na buong tapang na sumali sa Beijing Games. Higit na mahalaga ang laro kaysa panalo.

Pablo Cruz
San Juan, Cabangan
Zambales