• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-09-23 15:09:05    
Taga-Baotou

CRI

Ngayon, matatag na tumatakbo ang gawain ng pangangalaga sa Yellow River wetland. Kahit kasisimula lamang, lumilitaw na ang mga epekto. sinabi ni Yang Yongming, puno ng Sentro ng pangangalaga at pamamahala sa wetland ng Baotou, na noong tag-sibol na ito, dumami na ang bilang at uri ng mga migratory bird at dinagdag nito ang kasiglahan ng Yellow River wetland. Sinabi niyang:

"Dumami nang marami ang bilang ng mga hayop-gubat ngayon. Sa mga migratory birds ngayong tagsibol, mahigit 30 libo ang mga swan. Dumami naman ang bilang ng iba pang birds."

Noong Abril ng taong ito, nagsimulang itatag ng Baotou ang Natural reserve areas ng wetland. Sa loob ng rehiyong ito, itatatag ang isang koridor. Ang koridor na ito ay may tatlong pungksyon: una, magamit ito para sa pagpigil ng baha; ikalawa, maaari itong gawing pangunahing rutang magpapasasa sa ganda ng buong wetland at ikatlo, iniuugnay nito ang iba't ibang pook na panturista. Sa loob ng reserbang purok na ito, ang mga lugar na panturista ay hindi lamang nagpapakita ng pagkakaisa ng sibilisasyong pansaka ng lahing Han at nomadism ng mga pambansang minorya at kundi ng sibilisasyon ng modernong industriya.

Gayon ang inilarawan ni Wang Xiaoping ng kinabukasan ng Yellow River wetland:

"Sa mga wetland, mga 37 uri ang mga water fowl gaya ng red-crowned crane at Crab-eating Mongoose. Bawat tag-lagas, ang nagbubulungang tambo ay misturang gininduang bukirin ng trigo na nangingislap sa sikat ng araw. Maganda rin ang tanawin sa tag-lamig, lalung lalo na pagkatapos ng niyebe."

Lipos ng pag-asa ang mga residenteng lokal sa bagong tanawin ng reserve areas ng wetland na ito. Sinabi ng mga residente na:

"Kung tatapusin ang proyekto, pupuntahan ko ito. Makakabuti ito sa aming mga residente."

"Nais kong magpasasa sa mga magandang tanawin at sariwang hangin doon."

Inaasahang naman naming kasunod ng pag-unlad ng buong proyekto ng reserve areas ng wetland na ito, matutupad ang pangarap ng mga residente dito na mamuhay sa paraiso ng may bughaw na langit at berdeng tubig.