• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-09-25 19:56:58    
Hinggil sa proyekto ng manned spaceflight ng Tsina

CRI
Ayon sa White Paper hinggil sa Aktibidad na Pangkalawakan ng Tsina, pabibilisin ng bansa ang pagpapaunlad ng teknolohiya at siyensiyang pangkalawakan at gayundin sa paggamit ng kalawakan at kasabay nito, pasusulungin pa ang bilateral at multilateral na pandaigdig na pagtutulungang pangkalawakan.

Isinalaysay ni Sun Laiyan, Puno ng CNSA, China National Space Administration, ang hinggil sa pangunahing nilalalman ng white paper. Sinabi niyang ang Tsina ay isa sa tatlong bansa sa daigdig na may manned spaceflight programme. Kaugnay ng hinaharap ng industriyang ito, sinabi ni Sun na sa susunod na limang taon, magpapasimula o magpapatuloy ang Pamahalaang Tsino ng mga proyektong pangkalawakan na kinabibilangan ng manned spaceflight, pagsusuri sa kalagayan ng buwan at bagong henerasyon ng carrier rockets. Itatatag din ng Tsina ang sistema ng earth observation satellite, sistema ng satellite telecommunication broadcast at gayundin ang sistema ng satellite navigation. Pag-iibayuhin din ng Tsina ang pananaliksik sa siyensiya ng kalawakan.

Kaugnay ng naturang proyekto sa hinaharap, ipinaliwanag pa ni Sun na ang bagong henerasyon ng carrier rocket ay magtatampok sa kawalan ng lason, kawalan ng polusyon at high-performance. Kaugnay ng manned spaceflight, aniya, isasakatuparan nito ang operasyon ng mga astronaut sa labas ng sasakyan, isasagawa rin ang pagsubok sa pagdodock at magtatayo rin ng laboratoryo sa espasyo na sa maikling panahon ay may tao at sa mahabang panahon ay sarilinang iinog sa orbita.

Sinabi pa ni Sun na isa sa mga pangunahing layunin ng pagpapaunlad ng Tsina ng industriya ng kalawakan ay maglingkod sa pag-unlad ng bansa. Aniya, sa kasalukuyan, gumaganap ng mahalagang papel sa pagsusuri sa pinagkukunang-yaman ng bansa at sa pangangalaga sa kapaligiran ang mga remote sensing satellite. Salamat sa mga telecommunications satellite, aniya pa, mas maraming magsasaka ang nakakapanood ng TV at nakakapakinig sa radyo.

Binigyang-diin din niyang pahihigpitin din ng Pamahalaang Tsino ang pandaigdig na pagtutulungang pangkalawakan. Aniya pa, batay sa Deklarasyon sa Pandaigdig na Pagtutulungan sa Paggagalugad at Paggamit sa Outer Space, patuloy na makikipagtulungan ang Tsina sa iba pang mga bansa at organisasyong pandaigdig sa larangan ng space life science, paggagalugad sa buwan at mga planeta, pagluluwas ng mga satellite at may kinalamang piyesa. Sinabi pa ni Sun na ang ika-21 siglo ay isang siglo kung kailan naggagalugad at gumagamit ang sangkatauhan ng outer space. Patuloy na gagawing prinsipyo ng Pamahalaang Tsino ang 'pagkakapantay, mutuwal na kapakinabangan, mapayapang paggamit at komong pag-unlad' para mapalawak ang pakikipagtulungan nito sa mga panig na dayuhan.