• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-09-28 20:23:55    
Misyon ng Shenzhou VII, matagumpay na natapos

CRI

Pagkaraan ng 3 araw na paglipad sa kalawakan, lumapag ngayong hapon sa Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia sa hilagang Tsina, ang return module ng Shenzhou VII, ika-3 manned spacecraft ng bansa. Mainam ang kalagayan ng tatlong astronaut at lumabas silang sarili ng return module. Sa gayo'y, matagumpay ang ika-3 manned spaceflight ng bansa.

Pagkaraang lumapag, bumigkas ng talumpati ang tatlong astronaut.

Sinabi ni Zhai Zhigang, astronaut na nagsagawa ng space walk, na,

"Walang sagabal kaming nagsagawa ng kasalukuyang spaceflight at bumalik na. Kahapon, nagsagawa kami ng kauna-unahang space walk. Maluwalhati ang misyong ito, lipos ng mga hamon at kasiya-siya ang resulta. Ipinagmamalaki ko ang inangbayan."

Isinalaysay ni astronaut Liu Boming ang kanilang kalagayan. Anya,

"Bumagay na kami sa gravity sa planetang mundo at nakapasa sa inspeksyong medikal. Mainam ang aming kalagayan at normal ang iba't ibang indeks ng katawan. Natatandaan ko ang aking sinabi bago ang paglulunsad na pinakamahusay ang mga astronaut na Tsino at mapagkakatiwalaan ang aming kakayahan."

Sinabi naman ng isa pang astronaut na si Jing Haipeng na,

"Nitong tatlong araw na nakalipas, naramdaman namin sa kalawakan ang malasakit ng mga mamamayan. Ngayon, nakaligtas kaming bumalik. Salamat sa inangbayan at lahat ng mga mamamayan."

Sa Beijing Aerospace Control Center, ipinatalastas ni Chang Wanquan, punong direktor ng proyekto ng manned spaceflight ng Tsina, ang tagumpay ng misyon ng Shenzhou VII. Anya,

"Ayon sa ulat ng pamunuan sa landing site, nakaligtas na bumalik ang tatlong astronaut. Ngayon, ipinatalastas ko ang tagumpay ng misyon ng Shenzhou VII."

Sa control center, binasa ni premyer Wen Jiabao ang mensaheng pambati ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, Konseho ng Estado at Sentral na Komisyong Militar. Sa mensahe, binigyan ng pagbati at mataas na pagtasa ang tagumpay ng kasalukuyang manned spaceflight.

"Lubos na matagumpay ang misyon ng Shenzhou VII. Ito ay isang mahalagang breakthrough ng teknolohiyang pangkalawakan ng Tsina at ito rin ay palatandaang ang Tsina ay naging ika-3 bansa sa daigdig na namaster ang masusing teknik ng space walk."

Inulit din niyang ang pagpapaunlad ng teknolohiya ng manned spaceflight at mapayapang paggagalugad at paggamit ng kalawakan ay palagiang hangarin ng mga mamamayang Tsino.