• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-10-07 20:22:21    
Hinahanap ang kasayahan para sa sarili

 


CRI

Sa nayong Yanchiwan ng lalawigang Hubei ng Tsina, may isang kooperatibang kultural at ito'y isang samahang pansibilyan para sa serbisyong kultural na itinatag ng mga magsasakang lokal. Sa pamamagitan ng kooperatibang ito, sa panahong pagkatapos ng kanilang trabaho, lubos na nakapagtatamasa ang mga magsasakang lokal ng kasayahan na dulot ng mga aktibidad ng kultura at palakasan. Salamat sa kooperatibang ito, may lugar na pinupuntahan ng mga magsasaka sa kanilang malayang oras at nagiging mayaman ang kanilang pamumuhay na pangkaisipan.

Ang nayong ito ay nasa bulubunduking purok ng Bundok Wudang, kilalang banal na lupain ng Taoismo ng Tsina. Noong una, kakaunti ang mga nakalilibang yamang ng nayong ito dahil atrasado ang mga pasilidad ng kultura at palakasan nito at kulang na kulang sa mga alagad ng sining at sa gayo'y hindi nakapagtamasa ang mga magsasaka ng kasiyahang dulot ng kultura.

Noong nagdaang taon, sa ilalim ng pamamatnubay ng pamahalaang lokal, ang kauna-unahang koopertiba ang itinatag sa nayong Yanchiwan. Hindi pa natatagalan pagkaraang itatag ito, ang mahigit 120 tao ang sumanib sa organisasyong ito at hanggang sa kasalukuyan, umabot sa 274 ang mga kasapi nito. Bukod dito, bukas na nahalal ng kooperatibang ito ang liderato nito na binuo ng mga tauhang prestihiyo at may takdang kahusayan at karunungan.

Ang lawak ng kooperatibang ito ay mahigit 60 metrong kuwadrado na may tanggapan, aklatan at silid para sa iba't ibang aktibidad na mapisikal at pangkaisipan at bukod dito, may isang open air tanghalan para sa komprehensibong aktibidad. Nagdala dito ang mga kasapi nito ng kani-kanilang mga instrumentong musikal, pasilidad na pampalakasan, libro at magasin para buuin ang iba't ibang grupo ng aktibidad na kultural. Sinabi ni Hu Qitao, Direktor ng kooperatibang ito na

"Nagtitipun-tipon dito kami ng iba't ibang kasangkapang musikal at pampalakasan para magkakasamang pangalagaan at gamitin. Ang pagbabahagi ng yaman ay pinakamalaking katangian namin".

Mula alas-8 hanggang alas-10 tuwing gabi ay regular na panahon ng pagsasanay at sariling pag-aregla ng mga aktibidad ng mga kasapi. Paminsan-minsa'y inioorganisa ang mga pansamantalang aktibidad ng kooperatibang gaya ng aktibidad sa open air, pagtanghal sa ibang lugar at iba pa. Sinabi ni Hu na

"Noong unang panahon, lagi kaming nanood ng palabas ng ibang tao at nainggit sa kanila. Sa kasalukuyan, nakapagpapakita kami ng kahusayan namin sa ibang tao at nagbibigay ng kasayahan sa kanila. Ang ganitong damdamin ay lubos na ikinagagalak namin."

Ang 32 taong gulang na si Xu Laifa ay isang bulag na mang-aawit at siya ay tanging kasaping may kapansanan ng kooperatibang ito. Sinabi niya na

"Pagkaraang itatag ang kooperatibang ito, may purok na kami para sa regular na paglilibang. At nagtitipon dito ang mga tao para magpalitan at sa gayo'y dumarami nang dumarami ang mga kasapi nito."

Ang kooperatibang ito'y nagkakaloob ng isang plataporma sa mga magsasaka para ihayag ang kanilang pamumuhay at damdamin mula sa kaibuturan ng puso nila sa pamamagitan ng awitin. Kaya ito ay hindi lamang ikinasasaya ng puso at katawan ng mga magsasaka, kundi ikinahaharmonya ng mga pamilya sa pamamagitan ng paghubog ng komong libangan. Sinabi ni Zhou Wu, pangalawang Direktor nito, na

"Ang karamihang kasapi namin ay may trabaho. Noong una nang itatag ang kooperatibang ito, sumangkot dito ako sa aktibidad, nangamba ang asawa ko na baka umaapekto ito ng aking trabaho. Pagkaraa'y makita niyang masaya kaming mga kasapi, sumangkot din siya sa kooperatibang ito. Lagi kaming mag-asawa'y sumasangkot sa mga aktibidad nito at sa gayo'y masaya kaming dalawa at naging harmonya ang aming pamilya."

Kaugnay ng target ng pag-unlad ng kooperatiba, sinabi ni Hu na

"Sa malapit na hinaharap, ang target namin ay magpapasaya ng mga magsasakang lokal at ang target sa mababang panahon, nais naming maging kilalang tatak katutubong kultura na may aming katanging lokal."

Dahil may kooperatibang ito, may kanilang sariling tanghalan ang mga magsasaka at may sariling kalibangan. Naniniwalang kasunod ng paglipas ng mga araw, tiyak na uunlad at magiging mas popular ang ganitong uri ng samahan.