• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-10-07 20:35:18    
Makukulay na dula sa taglagas ng Beijing

CRI

Ang nagdaang araw ng linggo ay pambansang araw. Ang panahon sa pagitan ng paglapit at pagkatapos ng pambansang araw ay pinakamagandang panahon para sa pagtatanghal ng iba't ibang uring dula. Kaya, napakasigla ang tanghalan ng dula ng Beijing sa taglagas na ito.

Ang pista ng dula ng kabataan ng taong 2008 ay isang malaking kasiyahan ng kabataan at ito ay nagsisilbi ring lugar ng pagsubok sa katangian ng indibituwal. Dumalo sa pistang ito ang maraming artista sa saray ng dula at palabas ng Tsina. Isinalaysay ni Yang Qianwu, Pangkalahatang Kahilim ng Beijing Dramatists Association, na

"Walang espesyal na tema ang pista sa taong ito. Ginugusto namin ang pagka-orihinal, iyong nagmumula sa kaibturan ng puso, mga bagay na may mahigpit na kaugnayan sa realidad at lipunan. Wala kaming limitasyon at walang konkretong kahilingan. Ang ninanais namin ay lubos na ipakita ng kabataan ang kanilang sarili."

Ang karaniwang edad ng 13 direktor na lumahok sa naturang pista ay mga 30 taong gulang at ang kalahati sa kanila ay hindi propesyonal sa dula. Ngunit, hindi baguhan sila at may ilan sa kanila ay naggagalugad sa larangan ng dula nang maraming taon.

Si Sun Xiaohang ay isang direktor na taga-Beijing. Lumikha si Sun ng isang dulang pinamagatang "12 tao" na isinalaysay ang tunay na karanasan ng 12 tao, sa iba't ibang hanap-buhay na bilang mandarayuhang manggagawa sa Beijing, undergraduate modle, white-collar sa mga kompanya at iba pa. Ang mga papel ng dula ay ganapin ng mga estudyante sa paaralan at kawani sa kompanya at iba pa. Sinabi ni Sun Xiaohang na umaasa siyang makikita ng mga manonood ang tunay na pamumuhay. Sinabi niyang:

"Naghanap ako ng naturang 12 tao sa internet, sila ay estudyante, kawani at iba pa. Ang pinakamahalaga ay puwede nilang ipakita ang kanilang sariling damdamin at pakikitungo sa pamumuhay. Ang aking dula ay parang binubuo ng 12 kuwento hindi isa."

Walang bigkis at walang itinakdang porma. Nagkakaloob ang pista ng dula ng kabataan ng taong 2008 ng isang malawak na tanghalan para sa kabataan. Si Meng Jinghui, isang bantog na direktor ng Tsina, ay puno ng naturang pista, sinabi niyang:

"Ang pista ng dulang ito ay kapistahan ng kabataan. Ang mga dula ay hindi pinakamabuti, ngunit, ang mga ito ay katangi-tangi at may magandang kinabukasan."

Ang pista ng dula ng kabataan ay sinundan ng China Children drama week mula unang araw hanggang ika-10 ng Oktubre. 13 grupo ng dula mula sa iba't ibang lugar ng bansa ay nagpalabas ng 19 na drama nang 50 beses. Ang uri ng mga drama'y may moderong dula, alamat, puppet show, shadowgraph at iba pa. Sinabi ni G. Zhou Yuyuan, puno ng China Children's Art Theatre, na:

"380 milyon ang bata sa Tsina. Iniharap namin ang isang ideya na ang lahat ng children group ay nagtatrabaho para sa mga bata ng bansa. Makabuluhan ang pag-eeduka ng mga dula sa mga bata at siyempre dapat maging nakalilibang ang mga ito."

Sa 10 araw, ipapalabas ang mga dula sa 8 lugar at sa mga paaralan rin para makipagpalitan sa mga estudyante. Bukod dito, manonood sa mga dula ang mga bisita mula Kanada, Hapon, Australya, Timog Korea, Biyetnam at iba pang bansa para talakayin ang hinggil sa dula ng bata.

Ipipinid sa ika-10 ng buwang ito ang Children Drama Week. Sa araw ring iyon, bubuksan naman sa National Theatre Company of China ang pista ng dula ni William Shakespeare at magkakasunod na ipapalabas ng mga artista mula sa loob at labas ng Tsina ang mga katha ni William Shakespeare. Ang tema ng pistang ito ay "Forever William Shakespeare."