• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-10-08 18:54:51    
Lawa ng Baiyangdian

CRI
Ipapasyal namin kayo sa Lawang Baiyangdian na di kalayuan sa Beijing para mapagmasdan ang marikit na tanawin ng nayon sa katubigan ng Tsina.

Nakaluklok sa Anxin County ng Lalawigang Hebei ang Lawang Baiyangdian na mahigit 160 kilometro ang layo mula sa Beijing. Umaabot sa 366 na kilometro kuwadrado ang lawak ng katubigan ng Baiyangdian, na kinabibilangan ng mahigit 140 lawa.

Tungkol sa Lawang Baiyangdian unang-una pag-usapan natin ang mga tambo rito, na siyang isang mahalagang bagay para sa Baiyangdian. Ayon sa mga residente rito, "Ang isang tambo ay kasinghalaga ng isang piraso ng ginto". Tuwing buwan ng Agusto at Setyembre ng bawat taon, hinog na ang tambo sa lawa, nagiging maginto ang kulay ng buong lawa. Talagang kayrikit ng tanawin. May tatlong uri ang tambo sa lawang Baiyangdian. Ang pangunahing klase ay ginagawang panabing, ang pangalawang uri ay ginagawang pangguhit sa handicraft at ang pangatlo ay ginagawang materyal sa paggawa ng papel at panggatong.

Ang murang ugat ng tambo ay puwedeng gawing alak, samantalang ang magulang na ugat nito ay maaaring gawing gamot. Ang buhok ng tambo ay maaaring gawing walis at ang bilot nitong parang bulak ay puwedeng gawing palaman sa unan. May isang tindahang nagbebenta ng mga produktong handicraft mula sa tambo na ari ng isang naninirahan doon na nangangalang Yang Xue.

Sinabi niyang hindi lamang gamit sa paggawa ng souvenir ang mga produktong yari sa tambo, meron din itong parktikal na gamit. Kung maaraw puwedeng magsuot ng sambalilong yari sa tambo para hindi gaanong mabilad sa araw. Gagasta lamang kayo ng ilang Yuan RMB at makabibili rin ng isang sapatos na yari sa tambo na masarap sa paa at magandang ilakad sa Lawang Baiyangdian. Sinabi ni Yang Xue na,

"Narito ang mga gawang kamay mula tambo. Yari sa kamay ang sapatos na tambo na hinubog sa pamamagitan ng mataas na temperatura. Kaya madaling pasukin ng hangin. Yari iyon sa tambong galing sa tubig na siyang katangi-tanging produkto sa Lawang Baiyangdian."

Bukod sa pagtanaw sa mga tambo, sa pamamasyal sa Lawang Baiyangdian, dapat ding pumunta sa garden ng mga pulidong produkto mula sa bulaklak ng lotus sa Lawang Baiyangdian. Ang lugar na ito ay sadyang binuksan ng pamahalaang lokal para tamnan ng mga lotus. Pagsapit ng tag-init, namumukadkad ang mga bulaklak ng lotus. Halos natatakpan na ng mga bulaklak ng lotus ang tubig sa hardin. Nagsisiksikan sa ibabaw ng tubig ang mga dahon ng lutos, sa pag-ihip ng mabining hangin, wari'y umiindak ang mga bulaklak sa lawa-lawaan.