• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-10-22 19:29:53    
Nag-eenjoy ng purong pagkaing Ruso sa Beijing

CRI

50 taon na ang nakalilipas, para sa mga karaniwang taga-Beijing, kung makakapunta sa Moscow restaurant sa Beijing na kumain ng isang piraso ng brown bread at uminom ng isang baso ng vodka, lubos na niya itong ipinagmamalaki. At sa kasalukuyan, maraming restaurang Ruso ang natatagpuan dito sa Beijing at nakapagpapasasa sa anumang sandali ng pagkaing Ruso.

Nang mabanggit ang restaurang Ruso sa Beijing, tiyak na banggitin ang Moscow restaurant ng Beijing. Ito ang kauna-unhang western restaurant na itinatag sa bansa pagkaraang itatag ang bagong Tsina. Noong taong 1954, ang building group ng Beijing Exbition Center na kinabibilangan ng restauran ng Moscow ay itinatag sa labas ng Xizhimen. Tinatawag ito ng mga taga-Beijing na "old Mo".

        

typikal na ulam na Ruso

"Moscow Restaurant, ang pinanggagalingan ng pangarap", ito ang titik na inukit sa karatula sa harap ng pinto ng Moscow Restaurant. Ang ginto at iba pang mamahaling metal ang ginamit sa pagtatayo ng Moscow Restaurant na dinisenyo ng Sentral na Instituto ng dating Unyong Sobyet. Lubos na namangha ng mga taga-Beijing dahil sa laki at luho nito. Sa alaala ng dating punong kusinero Moscow Restaurant na si Wang Zhaozhong ang "grasya" ay singkahulugan ng "Old Mo".

"Sa panahong iyan, ang lahat ng weytres ay babaeng Ruso, may lipstik, perfume at iba pang kosmetiks sa kasilyas. Ang maraming tableware, alak at materyal ay inaangkat mula sa Unyong Sobyet, delikadong delikado."

"old Mo"

Nagkaloob ang Moscow Restaurant ng tradisyonal na ulam na may katangiang panlahi ng dating Unyong Sobyet, samantala, nakapagkaloob ito ng western food na may lasang Britaniko, Pranses, Aleman at Italyano. Sa panahong iyan, kung gusto ninyong kumain sa Moscow Restarant, nangangailangan kayo ng meal ticket sa halip ng pera, at ang mga tao na nakakakuha ng gayong tiket ay, pangunahin na, mga dalubhasang Ruso o iskolar na bumalik sa bansa mula sa ibayong dagat. Noong taong 2000, inilaan ng Moscow Restarant ang malaking pondo para sa rekonstruksyon at pagpapalamuti. Sa kasalukuyan, para sa mga mamimili, ang Moscow Restaurant ay naging isang restaurang may pangmalayuang kasaysayan at napakahusay na serbisyo.