• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-10-28 14:53:15    
Si Chen Mei-o, inisyador ng nusika ng Nanyin

CRI

Tinugtog kamakailan sa Forbidden City ng Beijing ng grupong pansining "Han Tang Yuefu" ng Taiwan ang musika ng Nanyin na may pamagat "Lo River Goddess" para magpakita ng kahalina ng musika ng Nanyin, isa sa pinakamatandang uri ng musika ng Tsina. Si Chen Mei-o ay punong pansining ng grupong ito at noong makaraang mahigit 20 taon, nagsisikap siya para pag-aralan at palaganapin ang musikang ito.

Ang musika ng Nanyin ay national intangible cultural heritage ng Tsina at itinuturing na living fossil sa kasaysayang musikal ng Tsina na popular sa Quanzhou at iba pang mga purok na nagsasalita ng wikang Minnan ng lalawigang Fujian sa dakong timog ng Tsina at kumakalat sa Taiwan, Hong Kong, Macao at timog silangang Asya sa nangakaraang mga libong taon.

Ang kauna-unahang narinig ni Chen ang Nanyin ay noong ika-7 dekada ng nagdaang siglo. Sinabi niya na

"Dahil lumaki ako sa pamiliya ng opera at narinig ang maraming transidyonal na musika ng bayan, datapuwa't hindi narinig ang ganitong matayog na musika na gaya ng Nanyin. Mula roon, intersado ako rito at nais kong malaman ang pinagmumulan nito."

Ang ama at tiya ni Chen ay pawang kilalang artista ng Taiwan at may malalim na damdamin siya sa trandisyonal na sining. Kaya nang makita ang pagiging mahina ng tradisyonal na opera sa lipunang moderno, naging espesyal ang damdamin niya sa Nanyin. Sinabi niya na

"Lumaki ako at nagbago rin ang lipunan. Masasabing nawawala ang ganitong tradisyonal na opera, kaya may isang matibay at malalim na damdamin ako hinggil dito."

Noong 1975, nagsimulang mag-aral si Chen ng Nanyin at pumunta siya ng iba't ibang purok ng Taiwan, mainland, at timog silangang Asya para rito. Noong 1982, nagtagumpay siya sa pagpapadala ng kanyang grupo sa Europa para sa kauna-unahang pagtatanghal ng Nanyin at umani ito ng pinakamainit na reaksyon. Mga dalubhasa sa pambansag musika na galing sa mahigit 30 bansa ang nagsagawa ng palitan-kuro ukol sa Nanyin para galugarin ang pinagmumulan ng matandang musikang ito. Sa pamamagitan ng mga taong pag-aaral at field survey, ipinalalagay niya na ang pinagmumulan ng Nanyin ay maaaring mabakas sa matandang kulturang Tsino noong nakaraang mahigit 2000 taon at lumago noong panahon ng dinastiyang Han at Tang. Kaya itinatag niya ang grupong "Han Tang Yuefu" noong 1983. sinabi niya na

"Ang pagkakatatag nito ay naglalagyong buhayin muli ang Nanyin para ibayo pang pasiglahin ang musikang ito. Kasi ito'y nabibilang hindi lamang sa Fujian, kundi sa buong Tsina, lalo na sa pamanang kultural ng buong sangkatauhan, at ito naman ay palatandaan at pagpapakita ng 5 libong taong sibilisasyong musikal ng Tsina."

Ang grupong ito ay nagsisikap para pag-aralan ang Nanyin at sanayin ang mga artista. Pinamunuan ni Chen ang grupong ito na bumisita sa mga kolehiyo at pamantasan ng mainland, Estados Unidos, Europa, Australia, Hapon, Timog Korea at timog silangang Asya para isagawa ang malawak na pagpapalitang akademiko hinggil dito. Sa kasalukuyan, matagumpay na hinaluan ng grupong ito ng elemento ng makabagong drama ang trandisyonal na estruktura ng Nanyin, lumikha ng isang serye ng katha na tumanggap ng malawak na pagpuri at ang kanyang grupo ay naging silanganing grupo na mainit na inaanyayahan ng mga mahalagang pestibal na pansining na pandaigdig at pambansang teatro para itanghal. Sinabi ni Chen na tinupad niya ang pangako noong panahon nang itatag ang grupong ito. sinabi niya na

"Noong una nang hilingin ko sa aking kuya na katigan ako sa pag-aaral ng Nanyin at pagtatatag ng grupong ito, gumawa ako ng 3 pangako: una, magpapadala ako ng Nanyin sa pinakamataas na palasyong akademiko sa daigdig para magpakita ng bitalidad nito, ikalawa, magpapadala ako nito sa pinakamataas na palasyong pansining sa daigdig para magpakita ng modernong kahalina nito at ikatlo, iuuwi ko ito sa Forbidden City. Ang nabanggit na 3 pangko ay tinupad ko ngayon."

Ipinahayag ni Chen na upang balikan ng pabor ang pagkatig ng lipunan at kanyang kuya at umaasa siyang itatatag ang isang konserbatoryo ng musika ng Nanyin para masasalin ito sa hene-henerasyon sa ilalim ng kompletong sistema ng edukasyon.