• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-10-29 16:44:44    
Usapin ng edukasyon ng Tsina, natamo ang napakalaking progreso

CRI

Sapul noong 1978., natamo ang kapansin-pansing progreso ng usapin ng edukasyon ng Tsina, sa loob ng 30 taon na naisakatuparan ang target na natamo ng mga maunlad na bansa sa 100 taon. Sa kasalukuyan, naisakatuparan na ng Tsina ang target ng pagpapalaganap ng 9-year compulsory education at pagpawi sa illiteracy sa kabataan, at pumasok na sa yugtong popular ang high-level education.

Sa mahabang panahon, lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang edukasyon, at binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagtatayo ng makapangyarihang bansa ng lakas-manggagawa. Partikular na pagkaraang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas, kasunod na mabilis na paglaki ng kabuhayan, walang humpay na nagpapalaki ang pamahalaang Tsino ng laang-gugulin sa usapin ng edukasyon, sa gayo'y napasulong nang malaki ang usaping ito.

Kaugnay ng proseso ng pag-unlad ng edukasyon ng Tsina sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas, ginamit ni Ginoong Gu Mingyuan, puno ng Samahang Akademiko ng Edukasyon ng Tsina, ang dalawang katagang "paglipad" at "himala" para ilarawan ang pag-unlad ng usaping ito. Aniya :

"Sa loob ng 30 taon lamang, ang Tsina ay naging isang makapangyarihang bansa ng lakas-manggagawa mula isang bansang may malaking populasyon at labis na atrasado sa kultura at naisakatuparan ang dalawang igpaw-historikal. Ang isa ay pagsasakatuparan ng komprehensibong pagpapalaganap ng 9-year compulsory education, at ang isa naman ay pagpasok ng Tsina sa yugto ng pagpapalaganap ng high-level education. Masasabing ito ay isang himala."

Noong 1949 nang itatag ang People's Republic of China, ang illiteracy population ay katumbas ng mahigit 80% ng kabuuang populasyon ng buong bansa, at ang rate ng enrollment sa elementary school ay 20% lamang, at 6% lamang sa junior high school. Noong 1986, isinapubliko at isinagawa ng Tsina ang "compulsory education law" na sa kauna-unahang pagkakataon, malinaw na iniharap ang pagsasagawa ng 9-year compulsory education para maigarantiya ang pagtanggap ng mga bata ng edukasyon sa elementary at junior high school. Pagkaraan ng walang humpay na pagsisikap, sa kasalukuyan, napalaganap na sa kabuuan ng Tsina ang compulsory education.

Sinabi ni Ginoong Wang Dinghua, pangalawang puno ng Unang Departamento ng Basal Education ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina, na ginamit ng Tsina ang mga 30 taon para maisakatuparan ang target ng compulsory education, ngunit para matupad ang target na ito, ginamit ng mga maunlad na bansang gaya ng Estados Unidos at Hapon ang 100 taon. Sinabi niya na :

"Hanggang noong katapusan ng nagdaang taon, 99.3% ng buong populasyon ng Tsina ang sumasalim sa 9-year compulsory education, at ang bilang ng mga bayang naisakatuparan ang pagpapalaganap ng compulsory education ay katumbas ng 98.% ng kabuuang bilang ng mga bayan sa buong bansa."

Ayon sa salaysay, batay sa bagong "compulsory education law" na isinapubliko noong 2006, mula noong 2006 hanggang 2010, ilalaan ng pamahalaan sa iba't ibang antas ng Tsina ang karagdagang 270 bilyong Yuan, RMB sa compulsory education sa kanayunan. Sinabi ni Ginoong Wang Dinghua na :

"Hanggang noong isang taon, kinansela sa kanayunan ng buong bansa ang lahat ng tuition at textbook fee ng mga mag-aaral sa yugto ng compulsory education, at halos 150 milyong mag-aaral sa kanayunan ang nnakikinabang sa naturang patakaran. Mula noong Setyembre ng taong ito, ang ganitong bayad ay kinansela sa mga lunsod."

Salin: Li Feng