• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-11-11 15:26:52    
Annie S C Wu, tagapagtatag ng kauna-unahang empresang joint venture ng Tsina

CRI

Para sa mga taong sumakay ng eroplano, hindi kataka-taka ang delikadong in-flight meal na ipinagkaloob sa eroplano. Batay sa in-flight meal na ito, isinilang ang kauna-unahang empresang joint venture ng Tsina at ang tagapagtatag nito ay si Annie S C Wu, tagapagtatag ng Beijing Aviation Food Co., Ltd at bantog na mangangalakal ng Hong Kong ng Tsina.

Noong Disyembre ng 1978, sa paanyaya ng Xinhua News Agency, unang dumating ng Mainland Tsina si Annie at ang kanyang mga kasamahan, mga personaheng galing sa sektor ng industriya at komersyo para maglakbay-suri rito.

Ang dahilan kung bakit namuhunan siya sa mainland ay isang balitang narinig niya sa treng pauwi sa Hong Kong. Sinabi niyang:

"Noong panahong iyon, sa tren mula Wuhan hanggang Guangzhou, narinig ko mula sa radyo ng tren ang sinabi ni Deng Xiaoping: isinasagawa ngayon ng ating bansa ang pagbubukas sa labas at welkam sa pamumuhunan mula sa labas ng Tsina."

Nagpatakbo noong panahong iyon si Annie ng Meixin Grupo, isang bantog na Food Chain Co., Ltd. Pagkarinig ng balitang ito, namalayan niya agad na pagkatapos ng pagbukas ng pinto ng Tsina sa labas, maraming mangangalakal ay mamumuhunan sa Tsina at ang eroplano ang magiging kanilang pangunahing behikulo para sa paglalakbay. Ngunit, ang karaming pagkaing ipinagkaloob sa mga flight ng mainland Tsina ay malamig, simple ang uri at hindi nakakatugon sa istandard na pandaigdig. At sa gayo'y maganda ang prospek ng negosyo sa pagsusuplay ng pagkaing sa eroplano. Ang panahong iyon ay natapat sa bisperas ng pagbukas ng direktang paglipad na panghimpapawid ng linya sa pamamagitan ng Tsina at E.U..

Ngunit, hindi maalwan ang negosasyon nila ng panig ng mainland. Dahil, noong panahong iyon, ang Hong Kong ay nasa ilalim ng pamamahala ng England at kulang sa pag-uunawaan nila ng mainland. Hindi naunawaan ng maraming kaibigan niya sa kanyang intensyong mamuhunan sa mainland. Ngunit, matatag ang determinsasyon ni Annie, sinabi niyang:

"Siguradong sigurado ang sinabi ni Ginoong Deng. Tiyak na bubuksan ang buong bansa. Bilang isang kababayang Tsino sa Hongkong, nais kong makapagbigay ng ambag sa aking bansa. Ito ang aking layunin."

Pagkatapos ng magkasamang pagsisikap ng dalawang panig, noong 1979, matagumpay ang talastasan. Pagkatapos ng kalahating taon ng pagsuri ng mahigit 50 departemento, noong 1980, itinatag ang Beijing Aviation Food Co., Ltd. Ito ang kauna-unahang empresang joint venture at ang license number nito ay 001. Mula nang bumalik ang Hong Kong sa inang bayan noong 1997, ang empresang ito ay naging empresang Tsino.

Nang sariwain ang kanyang inisyal na pagtatatag ng empresa, natatandaan pa ni Annie na sa simula, natatakot ang mga employee sa kaniya, unti-unting nagiging silang kaibigan. Sinabi niyang:

"Lumaki kasi ako at nag-aral sa Hong Kong. Noong panahong iyon, hindi ko naiintidihan ang paraan ng pag-isap ng mga mamamayan dito. Pero, mula noon, kinaibigan ko ang maraming tao dito."

Ang 60 taong gulang na si Annie ay nakasaksi mismo sa unti-unting paglaki ng kanyang bahay-kalakal at mga napakalaking pagbabago ng Tsina sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas. Sinabi niyang pagkaraan ng reporma at pagkabukas, mabilis na umuunlad ang inang bayan at ikinararangal ito niya.

Samantala, marami ang ginawa ni Annie sa gawaing pangkawanggawa sa mainland at Hong Kong. Tumulong siya sa paghanap ng Ningxia at Tibet ng proyekto at nag-abuloy para itatag ang mga bahay-kalakal at paaralan. Nitong nakalipas na mahigit 10 taon, kumalap siya ng mahigit 40 milyong Hong Kong Dollar para organisahin ang mahigit 10 libong batang Hong Kong sa pagdalaw sa mainland upang hubugin ang kamalayan nila sa pagmamahal sa inang bayan.