• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-11-11 15:29:54    
Pagtatanghal na pansining ng Biyetnam

CRI

Binuksan noong ika-31 ng nagdaang buwan sa Beijing ang 7 araw na komprehensibong pagtatanghal na pansining ng Biyetnam. Mayaman ang mga eksibit na kinabibilangan ng mahigit sandaang larawan, mahigit 400 handicraft o mga bagay na yari ng kamay, pambansang instrumentong musikal, tradisyonal at modernong damit at pang-araw-araw na gamit ng Biyetnam. Ipinakikita ng pagtatanghal ang matulaing purok, kaugalian ng iba't ibang atnikong grupo at relihiyon nito. Bukas na itinanghal ang mga eksibit liban sa mga palamuting pilak at sa gayo'y maaaring masusing pagmasdan ng mga manonood ang mga eksibit.

Sa seremonya ng pagbubukas ng pagtatanghal, ipinahayag ni Nguyen Vinh Quang, Ministro ng Biyetnam sa Tsina, na ang pagpapalitang kultural ay nakakatulong sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan ng dalawang bansa at umaasang ang pagtatanghal na ito ay makakatulong sa mas mabuting pagkaunawa ng mga manonood Tsino sa Biyetnam at makapagbibigay ng ambag sa pangmatagalang pagkakaibigan ng dalawang bansa. Sinabi niya na (sound 1)

"Ang pagtatanghal na ito ay isang aktibidad ng pagpapalitang kultural batay sa kasunduan ng kooperasyong kultural ng mga ministri ng kultura ng dalawang bansa at may espesyal na katuturan sa panahong iyon. Tulad ng alam ninyo, nitong ilang taong nakalipas, mabuti ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa at madalas ang pagpapalagayan sa iba't ibang antas. Ang pagpapalagayan ay nagpapalalim ng pagkakaunawaan ng mga mamamyan ng dalawang bansa at masasabing ang pagpapalitang kultural ay gumaganap ng papel ng tulay sa pagpapasulong ng kanilang pagkakaunawaan, kaya ang pagtatanghal ay isang mahalagang paraan sa pagpapalitang kultural. Sa pagtatanghal na ito, pinili namin, pangunahin na, ang mga eksibit na may matingkad na katangiang kultural ng aming bansa, halimbawa, mga instrumentong musikal na yari ng kawayan, wala ito sa Tsina."

Espesyal na tinukoy ni Nguyen na ang isang mahalagang hangarin ng pagtatanghal na ito ay nagpapakita ng kultura at pamumuhay ng mga karaniwang mamamayan ng Biyetnam, pagmamahal nila sa pamumuhay at paghahanap sa kagandahan. Bukod ng mga eksibit, pinahahalagahan pa niya ang papel ng mga estudyante ng Biyetnam sa Tsina bilang sugong kultural at umaasang sila'y mas mabuting makapagpapalaganap ng nakakaakit na kultura ng bansa.

Sa bulwagan ng pagtatanghal, tinugtog ng mga musikero ang mga musika ng Biyetnam para sa mga manonood. Sa mga musikerong ito, may mga estudyante ng Biyetnam na nag-aaral sa Tsina. Sinabi ng isa sa kanila na tuwang-tuwa siya sa pagsangkot sa pagtanghal na pansining na ito at pagpapakita sa mga kaibigang Tsino ng musika ng kanyang bansa.

Naakit ang mga manonood ng mga magandang damit at instrumentong musikal na may kataingian ng Biyetnam. Sinabi ni Ginang Xu, isang manonood Tsino, na sa pamamagitan ng pagtatanghal na ito, nagkaroon siya ng ilang pagkilala sa Biyetnam at malaking interes sa Biyetnam, umaasa siyang makapaglalakbay sa Biyetnam. Sinabi niya na

"Nanood ako minsan ng ilang pelikula ng Biyetnam at nag-iwan sa akin ng malalim na impresyon ang puting kapa na sinuot ng mga dalaga ng Biyetnam at sa tingin ko, magandang maganda ito. Nabighani ako sa pagtatanghal na ito ng mga instrumentong musikal na may katangian ng Biyetnam. Malambing ang musika na tinugtog ng mga ito. umaasa akong makapaglalakbay sa Biyetnam para maranasan mismo ang kaugalian at kultua roon."

Naakit ng pagtanghal na ito ang mga manonood Tsino at mas interesado sila sa Biyetnam. Tulad ng sinabi ni Yu Xingyi, isang opisiyal ng Ministri ng Kultura ng Tsina, na ang pagtatanghal na ito ay nagbigay ng pagkakataon sa mga manonood Tsino na malapit na nakikipagugnayan sa trandisyonal na kaugalian at kultura ng mga mamamayan ng Biyetnam at nagpapalalim ng pagkaunawa nila sa Biyetnam. Sinabi niya na

"Naniniwala akong ang pagtatanghal na ito ay tiyak na magpapaplalim ng pagkakaunawaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa at magpapasulong ng pangmatagalang tradisyonal na pagkakaibigan nila."