• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-11-18 16:09:43    
Si Shen Lihui at ang kanyang Modern Sky

CRI

10 taon na ang nakararaan, walang isang Tsino ang nakakaalam ng pangalang "Modern Sky", ngayon, ito ang bantog na tatak sa industriya ng disc ng Tsina. Ang "Modern Sky" ay hindi pangalan lamang ng isang kompanya, kundi kinatawan ng kulturang pusturyosa ng Tsina.

Noong huling dako ng ika-8 dekada ng ika-20 siglo, itinatag sa unibersidad ni Shen Lihui ang isang band---Sober Band, at siyang sarili ang pangunahing mang-aawit ng banda. Bantog ang naturang banda noong panahong iyon.

Noong 1991, natapos ni Shen ang kanyang pag-aaral sa unibersilidad at sinimulan ang negosyo sa larangan ng paglilimbag. Ilang taon'y pagkatapos, nagtubo siya diyan ng kanyang kauna-unahang sahod. Noong 1997, dahil sa kanyang pangarap ng musika, naglaan siya ng 4 milyong Yuan para itatag ang Modern Sky. Sinabi ni Shen na:

"Itinatag ang Modern Sky noong 1997. Noong panahong iyon, baka, freshmen kami, kaya wala kaming takot at sa gayo'y nagpasimula ng aming karera."

Sinabi ni Shen na ang Modern Sky ay isang kompanya at ang kompanya ay hindi dapat magkaroon ng iisang banda. Kaya, nilagdaan nila ng "New Pants" at "Supermarket". Dahil nagkakaiba-iba ang estilo at katangian ng nabanggit na mga banda sa musika ng Tsina, agad silang naging sikat sa arenang musikal noon ng Beijing. Parami nang paraming banda ang sumapi sa "Modern Sky", bagay na ibayo pa nagpapasikat nito. Noong nakaraang 8 taon, nagpalabas sila ng halos 100 album para sa mga ilampung banda. Ang nagi itong pinakamalaking nagsariling kompanya ng disc ng Tsina. Nagpasilang ang Modern Sky ng maraming rock star.

Hinggil sa mga mang-aawit sa kanyang kompanya, sinabi ni Shen na:

"Bawat panahon ang may sarili nitong sining o musika. Ang mabuting musika ay isang salamin ng panahon, ang aming mga popular na awit ay silhouette ng panahong ito. "

Sa likod ng tagumpay, Modern Sky ay nakaraan rin ng nakapahirap na panahon. Noong 2003, inilabas ang kompanya ang mahigit 10 disc, dahil lumitaw ang SARS sa Tsina, hindi puwede silang magpalabas at hindi puwedang magdaos ng malaking aktibidad ng promosyon. Noong katapusan ng taong iyon, nagbitaw ang maraming kawani ng kompanya. Sa gayo'y mataimtim na inisip ni Shen ang pagbabago ng pamamaraan ng pagpapatakbo ng kompanya. Dahil nga sa ideyang ito, isinaayos ng Modern Sky ang negosyo ng kompanya: 20% ng negosyo ang hinggil sa musika at banda at ang natitiang 75% ang sa iba pang industriyang may kinalaman sa musika. Idinaos nila sa Oktubre bawat taon ang Modern Sky Music Festival at nagpalabas din sila ng audio magasing "Modern Sky" at "Pakinggan".

Noong 2007, opisyal na pumasok sa Estatos Unidos ang Modern Sky. Itinatag nila doon ang branch company para mapalawak ang negosyo ng disc at nagpromite ng mga banda ng Tsina, at kasabay nito'y nagsisilbi bilang ahente sa pagpapalimbang ng mga disc at mga artista ng mga banda ng E.U..

Patapuwa't maraming makabagong kultura ng Tsina ay nagmu-mula sa kanluranin, lipos si Shen ng kompiyansa sa sariling makabagong kultura ng Tsina. Sinabi niyang:

"Hindi katulad ng palakasan, hindi maihahambing ang musika at sining kung alin ang mas mabuti. Nakaranas ang Tsina ng yugto ng paggaya, ngunit sa takbo ng paggaya ay nabuo ang aming sariling sistema. Walang hangganan ang musika. Sa hinaharap, posibleng gagayahin ng iba pang bansa ang musika ng Tsina."

Sinabi ni Shen na posible matanda na siya kumpara sa mga kabataan ngayon sa bagong panahon. Ngunit, ang kanyang Modern Sky ay laging handang tanggapin ang bagong sibol na bagay. Sinabi niyang:

"Ngayong panahon ay isang panahong multiplural. Ang pagkamultiplural ay pinakamahalagang katangian ng kasalukuyang panahon sa anumang larangan ng lipunan."