• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-11-18 17:41:26    
30 taong relasyong panlabas ng Tsina

CRI

Nang hilingan siyang magbigay ng simpleng paliwanag hinggil sa konseptong Tsino na may-harmonyang daigdig, sinabi ni G. Wu Jianmin, isang beteranong diplomatang Tsino, na nagpapahiwatig ito ng mataimtim na pag-asa ng mga mamamayang Tsino na bumubuti ang Tsina at buong mundo.

Kasabay ng pag-umpisa ng reporma't pagbubukas sa labas ng Tsina noong 1978, nararanasan din ng relasyong panlabas ng Tsina ang isang serye ng pagbabago. Nitong 30 taong nakalipas, mula sa ideological diplomacy hanggang sa pragmatikong diplomasiya, mula sa unilateral na diplomasiya hanggang sa multilateral na diplomasiya, mula sa idea ng ikatlong daigdig hanggang sa konsepto ng may harmonyang daigdig, walang humpay na sumusulong ang relasyong diplomatiko ng Tsina.

Kaugnay ng idinulot na impluwensiya ng reporma't pagbubukas sa mga patakarang diplomatiko ng Tsina, ganito ang inanalisa ni Propesor Wang Fan mula sa China Foreign Affairs University.

"Ang reporma't pagbubukas sa labas ay nagtakda ng katangian ng Tsina sa bagong epoka, alalaong baga, sa halip ng digmaan at rebolusyon, ang kapayapaan at kaunlaran ay nagsisilbing bagong tema at kasabay nito, ang misyon ng diplomasya ng Tsina ay buong-sikap na lumikha ng isang mainam na kapaligirang nagtatampok sa kapayapaan at kaunlaran. Ang relasyong diplomatiko ng Tsina ay naglilingkod para sa reporma't pagbubukas nito. Bunga nito, ang Tsina ay nagiging isang mahalagang miyembro ng arenang pandaigdig at buong-higpit na nag-uugnayan ang Tsina at iba pang mga bansa."

Ang nakarang 30 taon ay nakakakita ng maraming kahanga-hangang pangyayaring diplomatiko ng Tsina. Halimbawa, noong 1979, sa paglampas sa pagkakaibang ideolohikal, opisyal na naitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina't Estados Unidos. Noong katapusan ng nagdaang siglo, salamat sa katangi-tanging patakarang "isang bansa dalawang sistema", napanumbalik ng Tsina ang soberanya sa HongKong at Macao ayon sa pagkakasunod. Noong 1990s, sa pagtataguyod ng Tsina't Rusiya, naitatag ang Shanghai Cooperation Organization, unang organisasyong pandaigdig na ipinangalan ng isang lunsod at sa talastasan ng anim na panig hinggil sa isyung nuklear ng Korean Peninsula, gumaganap ang Tsina ng nukleong papel.

Nitong 30 taong nakalipas, batay sa limang simulain ng mapayapang pakikipamuhayan, nagkokonsentra ang Tsina sa pagpapasulong ng magandang relasyon nila ng anumang bansa, maliit man o malaki, maunlad man o umuunlad. Aktibo rin ang Tsina sa iba't ibang diplomasiya na gaya ng diplomasiyang pangkabuhayan, diplomasiyang militar at diplomasyang di-pampamahalaan. Bukod sa tradisyonal na bilateral na diplomasiya, nagsisikap na rin ang Tsina para sa pagtatatag ng multilateral na diplomasiya at pag-institusyonalisa nito na gaya ng estratehikong diyalogo ng Tsina't Estados Unidos, diyalogo ng Tsina't Asean at Asia-Europe Meeting.

Kaugnay ng kasalukuyang patakarang diplomatiko ng Tsina na ang pagpapasulong ng soft power ay ang pangunahing misyon, ganito ang tinuran ni Propesor Wang.

"Batay sa kasalukuyang mga pambansang patakarang diplomatiko, pinahahalagahan ng Tsina ang imahe nito sa mahahalagang suliranging pandaigdig at umani ang Tsina ng magandang reputasyon sa pagpapalitan at talastasang pandaigdig. Salamat sa nasabing mga patakaran, malawakang napapalaganap ang kultura at mga ideang Tsino."

Ang diplomasiya ng Tsina ay hindi lamang patuloy na lilikha ng magandang kapaligirang panlabas para sa reporma't pagbubukas ng bansa, ibayo pang mag-aambag din ito para sa kapayapaan at katatagan ng buong mundo.