• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-11-19 10:06:37    
Nakaranas ng Youth hotel sa Beijing

CRI
Ang paglalakbay na mag-isa sa labas nang may dalang travelling bag sa likod ay naging isang moda para sa mga kabataan sa kasalukuyan at ang Youth hotel ay naging isa sa mga lugar kung saan nagtitipun-tipon ang mga backpacker. sa maraming youth hotel sa Beijing, sa halip ng maluhong pampalamuting bulwagan, tradisyonal na stardard room at malapad na French window, makikita lamang ang karaniwang bunk bed, palamuting katulad ng karaniwang pamiliya at mabait na mukha ng mga backpacker. Sa programa ngayong gabi, dadalhin kitang makaranas ng youth hotel dito sa Beijing.

Ang ideya ng youth hotel ay isinilang sa unang dako ng noong isang siglo, noong taong 1909, sa daan ng paglalakbay, biglang dinalaw ang isang grupo ng estudyanteng pinamumunuan ng isang guro ng malakas na ulan, sa ganitong kalagayan, wala silang ibang pinagpipilian, kundi pinagsilungan nila ang isang paaralan sa isang nayon, inilagay nila sa sahig ang dayami at nagpalipas ng isang mahirap na gabi.. Hindi nakatulog ang gurong ito at ipinasiyang itatag ang isang hotel espesyal na para sa mga kabataan. Sa kasalukuyan, ang youth hotel ay naging pinakamalaking chain hotel sa daigdig, Mga 10 milyong turista ang tumitira sa youth hotel bawat taon.

Dahil sa pagdaraos ng Beijing Olympic Games, ang maraming tao ay magkakasunod na pumuta sa Tsina, isang mahiwagang bansa sa kanilang isip at ang youth hotel ay naging pinakamabuting lugar ng pagtitira. Sa Beijing, hindi lamang sa istasyon ng tren, kundi sa karaniwang Chinese courtyard sa Hutong, makikita ang palatandaan ng youth hotel.

City Central Youth Hotel

Sa Beijing, ang City Central Youth Hotel nasa paligid ng Beijing Railway Station ay isa sa mga unang tayong youth hotel sa Beijing, dahil sa napakaginhawang kinaroroonan, popular na popular ito sa mga turista. Maaaring bahaginan ng backpacker ng isang malaking silid ang iba pang tao o arkilain ang isang sild para sa kanyang sarili. Hindi lamang may information center, self-service kitchen, self-service laundering sa hotel, kundi may internet center, video and audio center, bar at iba pang intalasyon para as paglilibang.

sa loob ng isang standerd room

May isa pang espesyal na serbisyo sa hotel na ito, maaaring arkilain mo ang bicycle. Para sa mga turistang gustong magpagala-gala, ang bicycle ay naging kanilang unang pagpili sa lunsod. Ganito sinabi ni G. Alex Thomas Bradshaw, isang backpacker na nag-istay na sa Beijing para sa mahabang panahon.

"Nakabisita ako ng Beijing nang maraming beses at sa kasalukuyan, naninirahan ako dito, sa tingin ko, ang bisekleta ay pinakamadaling kasangkapan para sa paglakbay sa Beijing. Dahil napakasalimuot ng lagay ng trapiko at siksikan ng mga tao sa komunikasyon ng Beijing.

Ang Peking Uni International Youth Hotel na itinayo sa Zhongguancun sa hilangang Beijing ay tanging pandaigdigang youth hotel sa lugar na ito. Dahil may maraming pamantasan, instituto sa lugar na ito, bukod ng maraming bisitang dayuhan, maraming estudyante ang nakatira dito. Kung may dalang student identity card, maaring mag-enjoy kayo ng takdang diskuwento.

Inihandog ng Uni Youth Hotel ang subject activities sa takdang panahon, halimbawa, ang paper cut na inihandog noon una, kung nakatira kayo sa hotel, maari pagmasdan ninyo nang walang bayad ang paper cut na may katangiang Tsino, maunawaan ang kasaysayan nito at mag-aral ng teknik ng paggawa ng paper cut sa patnubay ng mga working staff ng hotel. Pero, ang pinakamaginhawang bagay sa Uni ay internet service. Sinabi ni Xu Changchang, isang estudyante na nakatira sa Uni Youth Hotel na:

"Sa bawat silid, makapag-internet ka nang walang bayad, ipagkakaloob nila ang isang kawad ng internet, kung may laptop, makapag-internet ka sa anumang oras."

Pinto ng Temple Side House Hotel

Kung gusto mong makaramdam ng kaugalian ng lokalidad, ang Temple Side House Hotel ay isang magandang lugar para sa iyo.

     

Sa bakuran ng Temple Side House Hotel

Naroroon ito sa isang napakaliit na hutong sa kalunsuran ng Beijing. Dito makitkita ko ang pulang kahoy na pinto, mga matatanda ang nag-huhuntahan sa ilalim ng puno at nagpaparoo't dito mga aso at bata, parang pumunta ka sa isang pang daigdig. Sa tradisyonal na chinese courtyard, makikilala mo ang maraming backpacker mula sa iba't ibang lugar. Lubhang ikinasisiya ni Natalie Ann Jones na galing sa Ireland ang kapaligiran ng Temple Side House Hotel.

"Andyan ako sa Beijing kahapon at saka nakilala ko ang maraming kaibigan sa bar ng hotel na ito. Sa panahong ito, umaasa ang maraming turista na paparito sa Beijing para magpasyal."