Ipinalabas kamakailan ng ika-3 Plenum of the 17th Central Committee of the Communist Party of China (CCCPC) ang mahalagang dokumento para mapasulong ang reporma ng kanayunan at ang isa sa mga mahalagang nilalaman ay pagpapaliwanag ng patakaran ukol sa legal na pagbabago ng mga magsasaka ng karapatan ng operasyon ng lupa. Sa ating programa ngayon gabi, isasalaysay namin sa inyo ang hinggil dito.
Sa kasalukuyan, maliwanag na iniharap ng CCCPC na pahintulutan ang pagbabago ng mga magsasaka ng karapatan ng operasyon ng lupa sa pamamagitan ng pagkokontrata muli, pagpapaupa, cooperative sharehold at iba pa. hinggil dito, ipinalalagay ni Zhao Yutian, mananaliksik ng sentero ng pananaliksik ng kabuhayang pangkanayunan ng Ministri ng Agrikultura ng Tsina na ito ay mabisang magsusulong ng pag-unlad ng kabuhayan sa kanayunan.
Kung papaanong maigarantiyang hindi mapinsala ang interes ng mga magsasaka sa proseso ng pagbabago ng karapatan ng paggamit ng lupa, ipinahayag ni Chen Xiwen, isang opisiyal ng CCCPC na namamahalan sa agrikultura na ang gayong pagbabago ay dapat sumunod sa 3 pinakapundamental na kahilingan, alalaong baga'y, hindi puwete bumago ng katangian ng kolektibong pagmamay-ari ng lupa at layunin ng paggamit ng lupa at hindi puwete mapinsala ang interes ng mga kontratang magsasaka. Sinabi niyang:
"Ang pagbabago ng karapatan ng paggamit ng lupa ay dapat mabatay ganap sa kusang-loob ng magsasaka sa halip na ipilit.. "
|