• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-12-02 18:17:48    
30 taong diplomasiya ng Tsina

CRI

Noong 1978, idinaos ng Partido Komunista ng Tsina o CPC, naghaharing partido ng Tsina, ang isang mahalagang makasaysayang sesyong plenaryo para pasimulan ang bagong panahon ng reporma at pagbubukas sa labas. Noong nakaraang 30 taon, ang ganitong walang katulad na paggagalugad at praktika sa kasaysayan ay nagdulot ng napakalaking pagbabago ng relasyon ng Tsina at daigdig at bunga nito'y pumasok sa bagong panahon sa kasaysayan ang diplomasiyang Tsino.

Sinabi ni Zheng Qirong, pangalawang Puno ng Foreign Affairs University ng Tsina, na ang 30 taong reporma at pagbubukas ng Tsina ay umani ng masaganang bunga sa gawaing diplomatiko nito. Nitong 30 taong nakalipas, ang Tsina ay nagiging mahalagang tagapaglahok at tagapagtadhana ng kontemporaryong suliraning pandaigdig. Maliwanag na tumaas ang katayuang pandaigdig ng Tsina at komprehensibong sumulong ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon nila ng mga bansa sa daigdig. Sinabi niya na

"Ang 30 taong reporma at pagbubukas ng Tsina ay nakakakita ng walang humpay na pagbuti ng nagsasarili at mapayapang patakarang panlabas nito. Masasabing ang mga natamong bungang diplomatiko noong nakaraang 30 taon ay pagpapatuloy at pag-unlad ng mga lideratong Tsino sa bagong henerasyon ng kaisipang diplomatiko nina Chairman Mao at Zhou Enlai at kasabay nito'y paggamit ng isang serye ng mahalagang pagsasaayos nito batay sa walang humpay na pagbabago ng kalagayang pandaigdig at katangian ng panahon."

Noong unang dako ng ika-8 dekada ng nagdaang siglo, malaking nagbago ang kalagayang pandaigdig, saka tinukoy ni Deng Xiaoping, lider ng Tsina noong panahong iyon, na ang diplomasiya ay dapat maglingkod sa pag-unlad ng kabuhayan at modernisasyon. At kasunod ng reporma at pagbubukas, unti-unting pumasok ang diplomasiyang Tsino sa panahon ng pagsasagawa ng nagsasarili at mapayapang patakarang panlabas.

Sa ilalim ng pamamatnubay ng ganitong patakarang panlabas, noong 1979, opisiyal na itinatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Estados Unidos at ito'y nagpasulong ng paghupa at pag-unlad ng relasyon ng Tsina at mga malaking kanluraning bansa, malaking nagpataas ng katayuang pandaigdig ng Tsina at sa gayo'y nagkaroon ng malaking breakthrough ang relasyong panlabas ng Tsina. Ipinalalagay ni Wang Yizhou, pangalawang Direktor ng Institute of World Economics and Politics ng Academy of Social Science ng Tsina, na ito'y bagong starting point ng diplomasiyang Tsino tungo sa paging bukas at pragmatiko

Noong ika-9 na dekada ng nagdaang siglo, aktibong napaunlad ng Tsina ang relasyong pangkaibigan at pangkabuhayan nila ng iba't ibang bansa para pasulungin ang pagtatatag ng bagong kaayusang pandaigdig ng kabuhayan at pulitika. At ibayo pang tumaas ang katayuang pandaigdig ng Tsina.

Noong panahong iyon, lumitaw ang katangian ng multilateralismo ng Tsina at aktibong tinupad nito ang tungkuling pandaigdig. Nabatid rin ng komunidad ng daigdig na ang mga mainit na isyu ay hindi malulutas nang kawalan ng paglahok ng Tsina.

Pagpasok sa ika-21 siglo, ang diplomasiyang Tsino ay mas pragmatiko at may kompiyansa. Ang pagtatatag ng may harmonyang daigdig ay nukleong ideya ng diplomasiyang Tsino sa panahong iyon. Sinabi ni Pangulong Hu Jintao na

"Taos pusong umaasa ang mga mamamayang Tsino na palalakasin, kasama ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa, ang pagkakaisa, pahihigpitin ang pagtutulungan at magkakasamang itatatag ang may harmonyang daigdig na may pangmatagalang kapayapaan at komong kasaganaan."

Ang ganitong ideya ay hindi lamang ambag ng Tsina sa ideyang panlabas sa daigdig, kundi mahalagang tema ng mga aksyong panlabas ng Tsina.

Sa pamamagitan ng 30 taong pag-unlad, ang pinakapangunahing progreso ng diplomasiyang Tsino ay dumarami nang dumarami ang paglahok ng Tsina sa mga suliraning panlipunan at walang humpay na sumusulong ang proseso ng paggawa ng patakarang panlabas patungo sa direksyon ng pagsasademokrasiya at pagsasasiyensiya. Lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang ideyang put people first at pagpapalingkod ng diplomasiya sa mga mamamayan. Sinabi ni Wang na

"Ang katangian ng ganitong bagong diplomasiya ay pinahahalagahan ang pundasyong panlabas na put people first at ito'y nagpapakita na ang diplomasiyang Tsino ay may mas matibay na pundasyong panlipunan at mas malawak na prospek ng pag-unlad."