• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-12-09 14:18:24    
Si Guo Wenjing, kilalang may-katha sa buong daigdig

CRI

Si Guo Wenjing ay isang kilalang may-kathang Tsino at ang kanyang mga katha ay itinatanghal sa iba't ibang lugar ng daigdig. Tinawag siya ng New York Times na tanging kilalang may-kathang Tsino sa daigdig na hindi nakatira sa ibayong dagat nang mahabang panahon.

Isinilang ang 52 taong gulang na si Guo sa Chongqing, munisipalidad nasa ilalim ng sentral na pamahalaan na itinatag noong 1997 at nauna rito, ang Chongqing ay nabilang sa lalawigang Sichuan. Halos lahat ng mga katha ni Guo sa unang dako ng kanyang karera ay pawang may kinalaman sa kanyang lupang-tinubuan, halimbawa, tulang simponiko "Nakabiting pagliliping sa watarik na dalisdis sa Sichuan", konsyertong "Desolate Mountain" at iba pa. Sinabi niya na

"Ang mga pamagat ng naturang mga katha ko ay may kinalaman sa mga bundok at ilog ng Sichuan, datapuwa't sa katotohanan, sa halip ng paglalarawan ng mga tanawin, ang nilalaman ng mga ito'y naglalarawan ng mga tao, lalo na ng diwa ng mga tao, at ng damdamin sa kaibuturan ng aking puso."

Noong bata pa si Guo, ang Tsina ay nasa cultural revolution at wala siyang pagkakataong tumanggap ng sistematikong edukasyon. Ngunit, ang malayang pamumuhay sa nayon ay nag-iwan sa kanya ng mga masayang alaala. Tinawag niya itong pamumuhay sa masikat na araw. Sinimulang matuto siya sa pagtutugtog ng biyolin nang 12 taong gulang pa siya, datapuwa't pagkaraan, nabighani siya ng pagkatha ng musika. Noong 1973, narinig niya ang ika-11 simponya ni Dmitry Dmitrirvitch Shostakovitch at naakit niya agad. Sinariwa niya na

"Napakaganda ng simponyang ito at madaling naiintindihan. Dahil sa musikang ito, ipinasiya kong maging isang may-katha para magpakita ng aking damdamin at palagay."

Noong 1978, napamunbalik ng Tsina ang sistema ng pangangalap ng mga estudyante sa pamantasan sa pamamagitan ng pambansang eksam, at si Guo ay naging isang estudyante ng Central Conservatory of Music at ang major niya ay pagkatha ng musika at mula noo'y natanggap niya ang sistematikong propesyal na training at nagsimulang kumatha ng musika.

Nang magtapos siya sa kolehiyo, masigla ang popular music sa Tsina sa halip ng seryosong musika, datapuwa't sa mula't mula pa'y iginigiit niya ang kanyang pagkatha ng seryosong musika. Noong 1993, kumatha siya ng operang Mad Men's Diary batay sa nobela ni Lu Xun. Niyanig ng operang ito ang buong Europa nang kauna-unahang itanghal ito sa Netherland at pagkaraan nito, itinanghal ito sa 8 bansa sa iba't ibang edisyon.

Kasunod nito, sinulat ni Guo ang operang "Manunulang si Li Bai". Hindi malaki ang operang ito, datapuwa't matalino ang pagsasaayos ng mga papel nito. May 4 na papel lamang ang operang ito: si Li Bai, ang buwan, tula at alak na inilarawang tao. Ipinaliwanag ni Guo na

"Ang buwan, tula at alak ay ilang bahagi ng pamumuhay ni Li Bai at kumakatawan ang mga ito ng kanyang bukas-loob at atityud ng pamumuhay."

Ang naturang opera na inawit sa wikang Tsino ay itinanghal sa Estados Unidos nang 6 na beses at nakatawag ng mataas na pansin ng sirkulo ng opera ng kanluran at ilang dayuhang pestibal na musikal. Ipinalalagay nila na ang operang ito ay may ganap na posibilidad na magiging klasikal na obra-maestra.

Sa kasalukuyan, si Guo ay propesor ng kanyang alma mater. Nitong nangakaraang taon, ang mga katha niya'y walang humpay na itinatanghal sa buong daigdig at kasabay nito, tinatanggap niya ang mga kahilingan ng iba't ibang purok ng daigdig sa pagkatha ng bagong musika. Ang bawat bagong katha niya ay nagpapakita ng kanyang bagong paggagalugad sa musika at may natatanging ideya at wikang musikal. Tinasahan minsan ng sirkulo ng musika ng Europa si Guo sa pagsasabing na siya ay isang may-katha na kumatha batay sa kanyang sariling damdamin sa halip ng iniisip ng iba.

Naiiba ang pagkatao ni Guo. Ipinalalagay niya na napakahalaga ng paghulagpos ng pangangambala mula sa labas nang kumatha ka.

"Nang kumatha ng musika, hindi ako magbigay-pansin sa mga bagay sa paligid ko at ibuhos lamang ang buong pansin ko sa mga bagay na ginugusto kong sulatin.