• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-01-06 18:59:35    
Beijing, isinasagawa ang plano sa pangangalaga sa mga relikya

CRI

Simula ng nagdaang taon, ilalaan ng Beijing ang 1.2 biyong yuan RMB sa loob ng darating 8 taon para isagawa ang plano ng katamtaman at mahabang panahon sa pagkukumpuni, paggamit at pangangalaga sa mga relikya. Ipinalalagay ng mga opisiyal at dalubhasa sa pangangalaga sa relikya na kasunod ng ibayo pang pagsasagawa ng nabanggit na plano, bilang isang kilalang kultural at historikal na lunsod, ang antas ng Beijing sa pangangalaga sa mga relikya ay magiging pinakamataas sa kasaysayan.

3000 taon na ang kasaysayan ng Beijing sapul nang itayo ito bilang lunsod at 850 taon ang kasaysayan nito bilang kabisera ng bansa. Mayaman ang mga pamana nito na kinabibilangan ng 6 na pandaigdig na pamanang kultural na gaya ng Great Wall, Forbidden City at Temple of Heaven at mahigit 3500 relikyang di-natitinag. Inilahad ni Kong Fanchi, puno ng kawanihan ng mga pamana ng Beijing na

"Sa 8 taong ito, ang diin namin ay nasa pang-araw-raw na pangangalaga sa mga arkitekturang panrelikya. Ang planong ito ay naglalayong, sa pamamagitan ng plano ng katamtaman at mahabang panahon sa pangangalaga at pagkukumpuni, mapanumbalik ang mga arkitekturang panrelikya ng Beijing sa pinakamabuting lebel sa kasaysayan at maipakita ang orihinal na anyo nito. Ang gawain naming sa pangangalaga sa mga relikya ay umiinog sa pangangalaga sa kilalang lunsod ng Beijing, pagsasaayos ng kapaligiran at pagpapanumbalik ng anyo ng sinaunang lunsod ng Beijing."

Ayon sa planong ito, simula ng nagdaang taon, ilalaan ng pamahalaan ng Beijing ang 150 milyong yuan RMB bawat taon para sa pangangalaga at pagkukumpuni sa mga arkitekturang panrelikya ng buong lunsod para pawiin ang nakatagong panganib, ayusin ang kapaligiran ng mga relikya at isagawa ang regular na pangangalaga. Ang nagdaang taon ay unang taon ng pagsasagawa ng planong ito, sinimulan na ng nabanggit na kawanihan ang 31 proyekto ng pagkukumpuni sa mga relikya.

Ipinahayag ni Wang Yuwei, opisiyal ng nabanggit na kawanihan na namamahala sa pangangalaga at pagkukumpuni sa mga relikya, na ang umuiiral na kasalukuyang plano ay nagbibigay ng diin sa pag-iwas ng mga nakatagong panganib sa pananaw ng sustenableng pag-unlad sa halip ng paglutas lamang ng mga naganap na problema. Sinabi niya na

"Sa madaling sabi, ang diin ng pagkukumpuni ng mga relikya ay nasa regular na pangangalaga at pagmomornitor na pangkaligtasan. Hiniling namin sa mga yunit na ginagamit at pinangangasiwaan ang mga relikya na itakda ang plano ng pangangalaga na ilakip ang pang-araw-araw na pangangalaga sa regular na pangangasiwa at palakasin ng pamahalaan ang pagsusuperbisa hinggil dito. Kasabay nito, hiniling pa namin na itatag ang sisitema ng pagsusuring pangkaligtasan."

Ayon sa salaysay, sa taong ito, kauna-unahang ilalaan ng Beijing ang 3 milyong yuan RMB para simulan ang pagsusuring pangkaligtasan sa mga arkitekturang panrelikya na gamit ang mordenong paraang teknikal para isagawa ang pagsusuri sa 20 arkitekturang panrelikya sa unang grupo para komprehensibong malaman ang kalagayan ng naturang relikya at ipakaloob ang batayang siyentipiko at saligang datos sa gawain ng pagkukumpuni ng mga relikya. Isiniwalat ni Wang na sa susunod, posibleng mapapalawak ng husto ang pagsusuring pangkaligtasan sa gawain ng pangangalaga sa mga relikya.

Ipinalalagay ni Han Yang, puno ng institute of ancient architecture ng Beijing, na ang pagsasagawa ng planong ito ay unti-unting magpapabuti ng kakulangan ng Beijing sa gawain ng pangangalaga sa mga relikya noong panahong iyon at magpapakita ng mas siyentipikong ideya.

"Noong unang panahon, ang gawaing ito ay makitid sa pagkukumpuni lamang ng mga nasirang relikya, sa sumunod, bumuti ito at sa kasalukuyan, ang mga ideyang pinabayaan namin noon sa pangangalaga sa mga relikya na gaya ng pangangalaga sa sinaunang lunsod ng Beijing ay muling pinahahalagahan at sa susunod, hahaluan ang mga ideya at gawaing ito at makasusulong nang malaki ang gawaing pangangalaga sa mga relikya."