• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-01-13 16:18:16    
Peking Opera, nagiging mas mainit

CRI

Kamakailan, ipininid ang 6th National Youth Peking Opera Actor TV Competition. Nakatawag ang kompetisyong ito ng pansin ng maraming manonood na Tsino at nagiging mas mainit ang Peking Opera. Salamat sa kompetisyong ito, Hindi lamang nangagsulputan ang mga bagong artista ng Opera, kundi lumitaw ang maraming bagong apisyunado ng Opera, bagay na nagkaroon ng mahalagang impluwensiya sa pagpapatuloy at pag-unlad ng Peking Opera sa makabagong lipunan.

Nagsimula ang 6th National Youth Peking Opera Actor TV Competition noong April ng nakaraang taon at nagparehistro ang mahigit 500 artistang mula 16 hanggang 35 taong gulang sa paglahok sa kompetisyong ito. Sa wakas 24 tao ang kumuha ng unang gantimpala.

Ang Peking Opera ay isa sa mga drama ng Tsina na may mahigit 200 taong kasaysayan. Itinuturing ito na "pambansang hiyas ng Tsina". Para sa isang aktor ng Peking Opera, mula sa bata pa'y nagsimula na siya magparaktis ng kinakailangang kahusayang propesyonal. Karamihan sa mga kalahok sa kompitasyon ito ay may mahigit 10 o 20 taon karanasan sa kanilang karera, kahit bata pa sila ngayon.

Ang 28 taong gulang na si Zhang Xinyue ay isa sa kanila. Noon bata pa siya nang manood siya sa unang pagkakataon ng Peking Opera, nagustuhan niya ang Peking Opera. Ngayon, siya ay postgraduate ng school ng Peking Opera sa National Academy of Chinese Theatre Arts at aprendis ni Mei Baojiu, anak ni Peking Opera Master Mei Lanfang. Sinabi ni Zhang na:

"Dumalo ako sa kompetisyong ito nang 3 beses. Nagkaloob ang kompetisyon ng isang plataporma para sa aming mga kalahok sa mutuwal na pag-aaral."

Si Ma Li ay isa pang kalahok. Nagsimulang mag-aral siya ng Peking Opera noong 9 na taong gulang at pagkatapos ng kanyang pag-aaral sa National Academy of Chinese Theatre Arts, ipinagpatuloy niya ang pag-aaral ng sining ng pagtatanghal na Kanluranin sa E.U.. 2 taon na ang nakararaan, bumalik siya sa Beijing. Sinabi niyang:

"Nang nasa ibayong dagat ako, nakakaramdam akong napakadakila ng mga bagay na tradisyonal na Tsino. Dapat mamana namin ang mga tradisyonal na dula at panatilihin ang pinakamabuti sa mga ito. Para sa mga bagong dula, puwedeng dagdagan ng mga elementong moderno."

Sa modernong lipunan, kinakaharap ng pagpapatuloy at pagpapaunlad ng sining na tradisyonal ang hamon ng kulturang pluralistiko. Dapat pagtiyagaan ng mga kabataan ang pag-aaral ng Peking Opera at ang kasinghalaga nito ay dapat hikayatin ang mas maraming manonood ng tradisyonal na drama.

Sa proseso ng 6th National Youth Peking Opera Actor TV Competition, inibrodkast-live ng CCTV ang kompetisyon at nakatawag ito ng malawak na pansin. Inihayag ng mga manonood sa pamamagitan ng website, telepono at iba pa ang kanilang naisin at mungkahi sa palabas ng mga kalahok at kompetisyon at nagpakita sila ng napakataas na kasiglahan. Isinalaysay ni Yan Dewei, pangkalahatang direktor ng kompetisyon, na:

"Nakatawag ang kompetisyong ito ng mas malaking pansin kumpara sa nangakaraang taon at natamo nito ang pag-ibig ng mga manonood. Nanood ang maraming tao sa ibayong dagat sa pamamagitan ng internet. Mula sa kompetisyong ito, nakita naming parami nang paraming tao ang nagbibigay ng pansin sa mga aktor na bata at Peking Opera. Nagiging mas popular ngayon ang Peking Opera sa mga mamamayan."

Sinabi naman ni Liu Xiurong, isa sa mga judge ng kompetisyon na:

"Mahusay ang lahat ng mga kalahaok. Para sa kanila, ito ang simula lamang sa kanilang karera. Mahirap ang pagiging isang bantog na artista, dapat pagtiyagaan nila ang pag-aaral para magpatingkad ng Peking Opera."