• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-03-04 17:37:58    
Tagapagsalita ng taunang sesyon ng NPC, sinagot ang tanong ng mga mamamahayag

CRI

Itinakdang idaos dito sa Beijing bukas ang taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC ng Tsina. Sa presko kaninang umaga, sinagot ni Li Zhaoxing, tagapagsalita ng kasalukuyang sesyon, ang tanong ng mga mamamahayag na Tsino't dayuhan. Narito ang detalyadong ulat tungkol dito.

Isinalaysay ni Li Zhaoxing na ang agenda ng kasalukuyang walo't kalahating araw na sesyon ay kinabibilangan ng pagdinig at pagsusuri sa working report ng pamahalaan, pagsusuri at pag-aaproba sa planning report at budget report, pagdinig at pagsusuri sa working report ng Pirmihang Lupon ng NPC at iba pa.

Sa harap ng pandaigdig na krisis na pinansyal, upang mapanatili ang matatag at may kabilisang paglaki ng kabuhayan, noong katapusan ng nakaraang taon, iniharap ng pamahalaang Tsino ang plano sa pagpapasigla ng kabuhayan na nagkakahalaga ng 4 trilyong yuan RMB. Kaugnay ng tanong ng mamamahayag hinggil sa papel ng NPC sa pag-iwas ng pag-uulit ng umiiral na proyekto at pag-aksaya ng pondo, sinabi ni Li Zhaoxing na,

"Ang 4 trilyong yuan RMB na pamumuhunan ay tumutukoy na sa loob ng 2 taon, pinaplano ng pamahalaang sentral na ilalaan nito ang 1.18 trilyong yuan RMB para pasiglahin ang mga pamahalaang lokal at lipunan na mag-invest ng mga 4 trilyong RMB lahat-lahat. Ang naturang pondong ilalaan ng pamahalaang sentral ay dapat ilakip sa sentral na taunang budyet at ihahaint sa NPC para sa pag-aaproba. Ang mahalagang agenda ng ika-2 sesyon ng ika-11 NPC ay pagsusuri at pag-aaproba sa plano sa pag-unlad ng pambansang kabuhayan at lipunan sa taong 2009 at sentral na budyet sa taong 2009. Mataimtim na susuriin ng kasalukuyang sesyon ang mga ito at sa pagsusuperbisa ng Pirmihang Lupon ng NPC sa taong ito, palalakasin ang pagsusuperbisa sa pagsasagawa ng naturang mga plano at budyet."

Bilang pinakamataas na organong pangkapangyarihan at lehislatibo ng Tsina, natamo ng NPC ang malaking progreso sa paggigiit ng siyentipiko at demokratikong lehislatura. Kasabay nito, ipinalalagay ni Li na kapansin-pansin din ang natamong bunga ng reporma ng sistemang pulitikal ng Tsina, ang repormang ito ay angkop sa kalagayan ng Tsina at kahilingan ng pag-unlad ng kabuhaya't lipunan. Sinabi niya na,

"Palagiang ipinalalagay naming kung walang demokrasya, walang sosyalistang modernisasyon. Pero ang isinasagawang reporma namin ay hindi iyong reporma na inaasahan ng ilang pulitiko o estadistang kanluranin, ang reporma namin ay sariling sosyalistang pagkokompleto at pag-unlad na may katangiang Tsino."

Nang sagutin ang tanong ng mamamahayag kung makakaapekto o hindi ang pandaigdig na krisis na pinansyal sa pagkakaloob ng Tsina ng tulong sa ibang bansa, ipinahayag ng naturang tagapagsalita na sa ilalim ng malubhang epekto ng pandaigdig na krisis na pinansyal sa mga umuunlad na bansa, lalo pang pakakamahalin ng Tsina ang pagkakaisa't pagtutulungan nila ng mga umuunlad na bansa

"Tulad ng isang pananalita sa Tsina, makilala ang tunay na kaibigan sa kahirapan, hindi lamang hindi binabawasan namin ang tunloy na ibinibigay sa mga umuunlad na bansa, ni hindi pinapababa ang lebel ng pakikipagtulungan sa kanila, sa halip, pinag-iibayo pa namin ang pagbibigay-tulong sa mga umuunlad na bansa sa abot ng makakaya at ipinapatupad ang umiiral na kooperatibong kasunduan sa mga kinauukulang bansa."

Isinalaysay pa ni Ginoong Li Zhaoxing na patuloy na bubuksan sa medya ang kasalukuyang taunang sesyon ng NPC at sa panahon ng sesyong ito, idaraos ang ilang presko para sagutin ang mga tanong ng mga mamamahayag.