• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-03-05 18:22:53    
Integrasyon ng Asean, nasa kritikal na yugto

CRI
Natapos kamakailan sa Hua Hin, Thailand, ang dalawang-araw na ika-14 na Asean Summit.

Kabilang sa mga natamong bunga ang paglagda ng mga kasaping Asean sa Declaration on Roadmap for an ASEAN Community (2009-2015) at sa iba pang mga dokumento na may kinalaman sa Security Community na kung saan ang ASEAN Political and Security Community Blueprint, ASEAN Economic Community Blueprint and ASEAN Socio-Cultural Community Blueprint ay nagsisilbing tatlong pangunahing gulugod. Ayon sa mga tagapag-analisa, ang integrasyong Asean ay nasa kritikal na yugto at ang paglagda sa nasabing dokumento ay may estratehikong katuturan sa pagsasakatuparan ng Asean ng mga itinakdang pakay.

Ang katatapos na Summit ay ang unang pagtitipun-tipon ng mga lider Asean sapul nang pormal na magkabisa ang Karta ng Asean nitong nagdaang Disyembre. Sa summit, buong pagkakaisang sinang-ayunan ng mga kalahok na lider Asean na upang maitatag ng Asean Community sa taong 2015, dapat paliitin ang kanilang agawat para maisakatuparan ang komong pag-unlad. Pagdating sa mga konkretong hakabangin, ipinasiya ng mga kasaping Asean na tulungan ang Biyetnam, Laos, Kambodya at Myanmar, apat na bagong miyembro ng Asean, sa mabilis na pakikilahok sa integrasyon ng Asean sa pamamagitan ng pagpapabilis ng sub-rehiyonal na pagtutulungan at pagpapasulong ng pagtutulungang pantenknolohiya. Nagkaisa rin ang mga kasaping Asean na kabilang din sa mahahalagang paraan para mapasulong ang integrasyon ng Asean ang pagpapalakas ng sariling kakayahan, paggagalugad ng human resources at pagpapasulong ng impraestruktura.

Sa Summit, binigyang-diin din ng mga lider Asean ang pagpapauna ng mga tao at paggalang sa pagkakaiba sa kultura, lingguahe, lahi at relisyon. Ayon sa Socio-Cultural Community Blueprint na pinagtibay sa Summit, sa pagtatakda ng Asean ng mga patakaran, hakbangin at plano ng aksyon sa hinaharap, bibigyan ng pinakapriyoridad ang pag-unlad ng mga mamamayang Asean.

Sa summit, nagkasundo rin ng palagay ang mga kalahok na lider Asean hinggil sa pagpapahigpit ng kanilang pagtutulungan bilang tugon sa iba't ibang hamon. Ayon sa mga tagapag-analisa, ang pinakamahigpit na kinakaharap na hamon ng Asean ang pagtugon sa lumalawak na pandaigdigang krisis na pinansyal. Binigyang-diin ng mga lider Asean na upang mapanatili ang katatagan ng kabuhayan at pinansya at mapasulong ang integrasyon, dapat pahigpitin nila ang pagtutulungan ng mga kasaping Asean at pagtutulungan sa pagitan ng Asean at tatlong partner na Tsina, Hapon at Timog Korea o 10+3, at dapat ding pabilisin ang pagtutulungang sub-rehiyonal at pakilusin ang lahat ng magagamit na yaman ng lipunan.