Bilang tugon sa kasalukuyang pandaigdigang krisis na pinansyal, naglaan na ang Pamahalaang Tsino ng 4 na trilyong Yuan RMB o 570 bilyong dolyares para mapasigla ang pambansang kabuhayan at itinakda rin nito ang 950 bilyong Yuan RMB o mahigit 130 bilyong dolyares na budget deficit para mapalago ang pangangailangang panloob at mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan.
Ayon sa mga tagapag-analisa, ang nasabing mga isinasagawa at isasagawang hakbangin ng Pamahalaang Tsino ay hindi lamang para matugunan ang kasalukuyang kahiparan, kundi may mahigpit na kaugnayan sa estratehiyang pangkaunlaran ng Tsina sa hinaharap.
Sa kanyang ulat kahapon hinggil sa mga gawain ng Pamahalaang Tsino, inilahad ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina na sa taong ito, pananatilihin ng Tsina ang 8% paglaki ng GDP, lalampas sa 9 na milyon ang bagong trabaho sa mga lunsod at bayan, kokontrolin sa mga 4% ang CPI at iba pa.
Mababasa sa ulat ni Premyer Wen na ang pagpapanatili ng paglaki ng kabuhayan ang nagsisilbing pinakapangunahing tungkulin ng Pamahalaang Tsino sa taong ito at ang pagpapasigla ng pangangailangang panloob, lalu lalo na ang pangangailangan sa konsumo, ang itinakdang pangunahing paraan para sa pagpapanatili ng paglaki. Ayon sa ulat ng pamahalaan, kasabay ng 4 na trilyong Yuan RMB o 570 bilyong dolyares na pumuhan ng pamahalaan, isinasagawa rin ng Tsina ang proaktibong patakarang piskal at katamtamang patakaran sa salapi at ang lahat ng mga ito ay naglalayong pagpapataas ng kita at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan. Ayon sa tagapag-analisa, ang nasabing mga hakbangin ay hindi lamang makakatulong sa pagpapalago ng pambansang kabuhayan ng Tsina sa malapit na hinaharap, at sa pangmalayuang pananaw, magbabago rin ito ng kasalukuyang pamamaran ng pagpapaunlad ng kabuhayan ng Tsina kung saan ang puhunan at pagluluwas ay nagsisilbing pangunahing lakas na nagpapasulong ng kabuhayan.
Nitong 30 taong nakalipas sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma't pagbubukas sa labas, sa kabila ng natamong bunga ng Tsina sa pag-unlad ng kabuhaya't lipunan, kinakaharap din ng Tsina ang problema sa estruktura ng kabuhayan, di-balansang pag-unlad ng iba't ibang rehiyon at iba pa. Bilang tugon, ipinalabas ng Tsina ang pambansang plano para mapasigla ang 10 pangunahing industriya na gaya ng bakal at asero, petrokemikal, nonferrous metal, information technology at makabagong logistics. Ito ay hindi lamang nakakatugon sa mga negatibong epekto na dulot ng krisis na pinansyal, makakatulong din ito sa pagsasaayos ng estrukturang pangkabuhayan ng Tsina. Upang isaayos at pabutihin ang estrukturang pangkabuhayan, batay sa ulat ng pamahalang Tsino, ang pagpapataas ng kalidad, pagpapasulong ng episyensiya, pagtitipid ng yaman, pagbabawas ng emisyon at pangangalaga sa kapaligiran ay kabilang sa mga requirement sa pagpapaunlad ng mga industriya ng Tsina. Kasabay nito, dapt ding unti-unting kanselahin ng panig Tsino ang atrasadong production capacity, pasulungin ang nagsasariling inobasyon at palakasin ang pagiging kompetetibo.
|