• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-03-25 09:42:39    
Wei Chunjie, bumalik pagkatapos ng Hajj

CRI

Sa Beijing, may isang purok-paninirahan ng mga Muslim na nagngangalang "Niu Jie". Si Wei Chunjie ay isa sa mga Muslim doon. Hene-henerasyong nakatira ang kanyang pamilya sa Niu Jie at masasabing lumaki siya sa matunog na tinig ng pagdasal ng mga tao. Para kay Wei Chunjie, ang pananampalataya sa All?h at pagsunod sa patnubay ng All?h ay pang-araw-araw na bagay na dapat gawin tulad ng pagkain at pagtulog. Kaya, nang balik-tanawin ang kanyang Hajj sa Mecca, halatang-halata ang labis na pagkatuwa niya:

"Muslim ang aking pamilya sa hene-henerasyon, wala ni isa man sa aming pamilya ang nagsadya sa Mecca para magbigay-galang sa Dakilang Allah nitong nakalipas na ilang daang taon. Ako ang unang tao ang nakapunta doon. At kahanga-hanga ito."

Ayon sa doktrina ng Islam, dapat pumunta sa Islamikong banal na lupain na matatagpuan sa Saudi Arabia para sa Hajj ang bawat debotong Muslim sa kanyang buhay at ito ay isa sa 5 pillars ng Muslim na dapat sundin. Sa Tsina, 10 pambansang minoriya ang sumusunod sa Islam at nakakakalat sa 27 lalawigan, lunsod at rehiyong awtonomo ng Tsina. Tulad ng iba pang Muslim ng daigdig, ang pag-ha-Hajj ay mithiin ng mahigit 20 milyong Muslim ng Tsina sa kanilang buong buhay.

"Sa Al-Masjid al-H?ar?m, pinakamalaking moske sa daigdig, masasabing umabot sa sukdulan ang ibinuhos naming damdamin. Pinuri namin ang All?h at Mohammed. Gayon na lamang ang antig naming damdaming napapaluha kami na hindi namin napigilan. Ang sandaling ito ay pinakamahalagang sandali sa buong buhay para sa akin."

Ang China Islamic Association o CIA ay tanging grupong panrelihiyon ng Tsina na reponsable sa pag-oorganisa ng mga Muslim na pumunta sa Mecca para sa Hajj. Sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas noong 1970s, ini-organisa na ng China Islamic Association ang mahigit 140 libong Muslim na pumunta sa Mecca. Noong taong 2008, umabot ang bilang na ito sa walang katulad na sa kasaysayang 12 libo. Ipinalalagay ni Mustafa Yang zhibo, Pangalawang puno ng China Islamic Association at puno ng grupo ng peregrinasyon noong isang taon, na:

"Bago simulan ang nasabing biyahe, nakipagkoordina ang State Bureau of Religious Affairs sa mga may kinalamang ministri at departamento para mapaginhawa ang biyaheng ito. 37 flight ng 3 kompanya ng abiyasyon ang naiarrange para mapaginhawa ang peregrinasyon. Sa gayo'y direktang lumipad kami sa Medina ng Saudi Arabia mula sa Beijing, Yinchuan, Lanzhou, Urumqi at Kunming at bumalik sa naturang mga lugar pagkatapos ng Hajj. "

Upang matiyak ay ang kaligtasan ng mga Muslim sa labas ng bansa ang pinakamahalaga para sa mga tagapag-organisa, Ipinadala ng China Islamic Association ang mahigit 40 tao na working group, kasama ang Hajj, mahigit 200 namumunong tauhan at mahigit 20 Imam na bahala sa pagsagot sa mga tanong na panrehiliyon at sa pamumuno sa mga mananampalataya na tapusin ang iba't ibang rituwal alinsunod sa doktrina. Bukod dito, sinamahan pa sila ng isang medikal na grupong may mahigit 20 katao. Nang balik-tanawin ang mga araw sa Saudi Arabia, walang tigil na pinuri ni Wei ang gawain ng China Islamic Association at malasakit na binigyan sila ng pamahalaan ng Saudi Arabia.

"Sa Saudi Arabia, hindi kailanma'y nangangamba kami sa pagkain at pag-inom. Naihanda na ang lahat para sa amin ng CIA. Papunta sa Medina, nang tumigil ang kotse, agad na binigyan kami ng mga lokal na residente ng tubig ng batis na tinatawag na 'Zamzam' spring water, ang Amzam ay isang katagang Arabian na nagpapahiwatig ng lagaslas ng tubig na lumalabas sa bunganga ng batis. Sinasabing natuklasan ang batis ni Hajar, asawa ni Ibrahem, prophet ng 'The Koran' at ninuno ng Islam. Iipinalalagay ng mga Muslim na ang batis na ito ay nangangahulugan ng kasayahan at ang pag-inom nito ay lumikha ng kaligayahan. Nang uminom kami ng tubig, ang damdamin namin ay parang tumagos sa kaibuturan ng aming puso ang tamis. Noong dumating kami ng Saudi Arabia, salamat sa maingat na pag-arrange ng CIA, at mga organisasyong lokal, lahat kami ay may sariling panuluyan at iniarrange ng pamahalaang lokal ang 24 na oras na tauhan on duty. Maysakit ang ilang matanda, walang bayad na ginamot sila at binigyan pa ng pamahalaang lokal ng mahal na gamot. Lubos na pinasasalamatan namin ang pamahalan ng Saudi Arabia. "

Dahil limitado ang pagtanggap ng Mecca, lalong lalo na, ng mga lugar sa paligid ng Al-Masjid al-H?ar?m, batay sa populasyon ng mga Muslim sa iba't ibang bansa, itinatakda ng pamahalaan ng Saudi Arabia ang kota para sa mga mananampalataya ng iba't ibang bansa na nakapunta sa Mecca para sa Hajj. Tinatanggap bawat taon ng Mecca ang humigit-kumalang 1.7 milyong Muslim. Ngunit, ang kasalukuyang kabuuang bilang ng Muslim sa buong daigdig ay mga 1.3 bilyon, kaya, iminungkahi ng pamahalaan ng Saudi Arabia at pamahalaan ng Tsina na ang peregrinasyon ay dapat isagawa sa pag-oorganisa ng mga may kinalamang samahan.

At diyan nagtatagpos an gaming espesyal na edisyon ng kaalaman sa Tsina na may kinalaman kay Wei Chunjie, isang Chinese Muslim na nagsadya sa Mecca para sa kanyang Hajj. Dito, umaasa kaming ang lahat ng Muslim ay makakatupad ng kanilang mithiin na makapunta sa banal na lugar ng Muslim tulad ni Wei Chunjie.