|
Pinag-ukulan ng pansin ng komunidad ng daigdig ang paglulunsad ng Tsina ng Shenzhou VI, ikalawang manned spacecraft ng bansa.
Nagpahayag ng pagbati ang opisyal ng Pambansang Sentro ng Pransya sa Pananaliksik sa Kalawakan, astranout ng Kawanihan ng Kalawakan ng Europa at Amerikanong eksperto sa kalawakan sa matagumpay na paglulunsad ng Tsina ng Shenzhou VI. Sinabi nila na naipapakita nito ang mabilis na pag-unlad at kakayahan ng Tsina sa larangan ng kalawakan.
Nagkaroon din ang mass media ng Hapon, Timog Korea at Italya ng mga madetalyeng pag-ulat hinggil sa kasalukuyang paglulunsad.
|