• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-10-20 20:34:56    
Porum ng mga nakatataas na opisyal ng ika-2 China-ASEAN Business and Investment Summit, idinaos

CRI
Idinaos ngayong araw sa Nanning, lunsod sa timog kanlurang Tsina, ang porum ng mga nakatataas na opisyal ng ika-2 China-ASEAN Business and Investment Summit.

Ang porum na ito ay isang mahalagang bahagi ng naturang summit. Buong pagkakaisang ipinalalagay ng mga kalahok na opisyal ng Tsina at sampung bansang ASEAN na namamahala sa isyung pangkabuhayan at pangkalakalan na may mahalagang katuturan ang pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN para sa pagpapalakas ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig at sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng kani-kanilang bansa at maging ng rehiyong ito.