• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-03-27 18:56:28    
Delegasyon ng pamahalaan ng Guangxi, dadalaw sa 4 na bansang ASEAN

CRI
Mula bukas, dadalaw sa Pilipinas, Brunei, Singapore at Myanmar ang delegasyon ng pamahalaan ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi na pinamumunuan ng tagapangulo ng rehiyong ito na si Lu Bing para sa publisidad sa ika-3 China-ASEAN Expo.

Sinabi ni Lu na sa panahon ng pagdalaw, makikipagtagpo siya sa mga lider ng naturang 4 na bansang ASEAN at aanyayahan ang mga negosyante ng mga bansang ito na lumahok sa naturang ekspo. Makikipag-usap din ang kanyang delegasyon sa mga mahalagang negosyante para mangalap ng kanilang mungkahi hinggil sa pagpapabuti ng ekspo.

Isiniwalat din ni Lu na sa panahon ng kasalukuyang ekspo, idaraos din ang mga aktibidad bilang paggunita sa ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng Tsina at ASEAN ng dialogue partnership.