• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-10-28 18:26:25    
Ika-3 Caexpo, handang handa nang magsimula

CRI
Isiniwalat ngayong araw ng sekretaryat ng Expo ng Tsina at Asean o caexpo na handa na ang gawain ng paghahanda sa unang yugto para sa summit ng Tsina at Asean hinggil sa komersyo at pamumuhunan at ika-3 expo ng Tsina at Asean.

Sa ika-31 ng buwang ito, idaraos sa Nanning ng Rehiyong Automonong Zhuang ng Guangxi ng Tsina ang ika-3 expo ng Tsina at Asean, ika-3 summit ng Tsina at Asean hinggil sa komersyo at pamumuhunan.

Kasabay ng pagbilis ng proseso ng pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at Asean, humihigpit sa bawat araw ang pagpapalitan ng Tsina at mga bansa ng Asean sa kabuhayan at kalakalan, kultura at iba pa. Bilang isa sa mga mahalagang akdibidad na may kinalaman sa pagpapalitang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Asean, pinag-uukulan ng pansin ng iba't ibang panig ang Expo ng Tsina at Asean sapul nang kauna-unahang pagdaraos nito noong taong 2004.

Idaraos sa ika-30 ng buwang ito sa Nanning ang summit bilang paggunita sa ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at Asean.