Sa Nanning ng rehiyong autonomo ng Guangxi ng Tsina, nagpahayag dito kahapon ng pag-asa ang mga punong ministro na sina Bouasone Bouphavanh ng Laos, Soe Win ng Myanmar, Abdullah Badawi ng Malaysiya na ibayo pang mapapalakas ang kooperasyon ng Asean ng Tsina sa kabuhayan at kalakalan para maitatag ang Sino-Asean free trade zone.
Ipinahayag ito ng mga lider sa kanilang paglahok sa diyagolo hinggil sa mga isyu sa ika-3 summit ng Tsina at Asean sa negosyo at pamumuhunan. Sinabi ni P.M. Bouasone ng Laos na nagkaloob ang summit ng magandang platporma para sa pag-unlad ng bilateral na relasyon. Magsisikap ang Laos para mapabuti ang kaligtasan ng pamumuhunan at mapasulong ang pagpapalitan at kooperasyon ng 2 panig sa pamamagitan ng higit pang preperensiyal na patakaran.
Sinabi naman ni P.M. Soe Win ng Myanmar na umaasa ang mga bansang Asean na makapagsisimula sila ng marami pang negosyo ng mga mangangalakal na Tsino.
Sinabi naman ni P.M. Badawi ng Malaysiya na umaasa siyang makapagsisikap ang 2 panig para mapasulong ang konstruksyon ng malayang sonang pangkalakalan at mapalakas ang bilateral na relasyon sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kanilang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan.
|