• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-03-03 10:59:04    
People's Daily, bumati sa pagbubukas ng ika-5 sesyon ng ika-10 CPPCC

CRI
Nagpalabas ngayong araw ng editoryal ang pahayagang People's Daily ng Tsina bilang pagbati sa pagbubukas ng ika-5 sesyon ng ika-10 Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC.

Anang editoryal, magdudulot ang kasalukuyang sesyon ng mahalaga at pangmalayuang impluwensiya sa pagpapasulong pa ng siyentipikong kaunlaran, magkakasamang pagtatatag ng may harmonyang lipunan at walang humpay na paglilikha ng bagong kalagayan ng pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan sa mataas na antas at sosyalismong may katangiang Tsino.

Napag-alamang natapos na ang lahat ng iba't ibang gawing paghahanda para sa kasalukuyang sesyon. Ang mga pangunahing agenda sa sesyong ito ay kinabibilangan ng pakikinig at pagsusuri sa working report ng pirmihang lupon ng CPPCC at ulat sa gawaing may kinalaman sa mga mosyon na iniharap mula noong ika-4 na sesyon ng ika-10 CPPCC, pagmasid sa ika-5 sesyon ng ika-10 Pambansang Kongresong Bayan o NPC, pakikinig at pagtatalakay sa working report ng pamahalaan, burador ng Batas sa Karapatan sa Ari-arian, burador ng Batas sa Income Tax ng Bahay-kalakal, mga working report ng Kataas-taasang Hukumang Bayan at Kataas-taasang Prokuraturang Bayan at mga iba pa.