• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-03-03 17:38:30    
Ika-5 sesyon ng ika-10 CPPCC, binuksan

CRI

Binuksan kaninang hapon sa Beijing ang ika-5 sesyon ng ika-10 pambansang komite ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC.

Sa working report sa sesyong ito, tinukoy ni Jia Qinglin, tagapangulo ng CPPCC, na noong isang taon, tumpak na isinabalikat ng organong ito ang tungkulin ng konsultasyong pulitikal, superbisyong demokratiko at paglahok at pagtalakay ng mga suliraning pulitikal at natamo ang bagong progreso sa iba't ibang gawain na kinabibilangan ng inobasyon sa gawain, pananaliksik sa teorya, sariling konstruksyon at mga iba pa.

Sinabi rin niya na sa taong ito, igigiit at pabubutihin ng CPPCC ang sistema ng kooperasyong multi-partido at konsultasyong pulitikal sa ilalim ng pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina at lubos na patitingkarin ang mahalagang papel nito sa pagpapaunlad ng sosyalistang demokratikong pulitika at pagtatatag ng sosyalistang sibilisasyong pampulitika. Kasabay nito, ituturing anya ng CPPCC ang pagpapasulong ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan na tumungo sa siyentipikong orbita at pagpapasulong ng mainam at may-kabilisang kaunlaran ng pambansang kabuhayan bilang pokus ng mga gawain ng sa kasalukuyang taon.