• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-03-06 10:34:22    
Overseas media, pinag-uukulan ng malaking pansin ang pagdaraos ng Dalawang Pulong

CRI

Ang pagdaraos ng Ika-5 Pulong ng Ika-10 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) at Ika-5 Pulong ng Ika-10 Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC) ay pinag-uukulan ng malaking pansin ng overseas media.

Sa mga editoriyal na ipinalabas ng "Universal Daily News" ng Pilipinas at "Asia News Time" ng Thailand, sinabi nilang kasunod ng walang tigil na paglalim ng reporma at pagbubukas sa labas at mabilis na pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina, nagiging mas mahalaga ang papel ng NPC at CPPCC sa pulitikal na pamumuhay ng bansa.

Sa isa namang editoriyal na ipinalabas ng "Nouvelles d'Europe" — pinakamalakaing pahagayan ng wikang Tsino sa Europa, nagpahayag ito ng paghanga sa estratehiya ng Tsina sa pagtatatag ng may harmoniyang lipunan. Sinabi rin ng artikulo ng "Les Echos" ng Pransya na maghaharap ang mga kinatawan ng NPC ng kanilang mungkahi para balangkasin ang mas balanseng patakaran ng pag-unlad.

Nagpalabas din ng mga artikulo ang mga mass media na gaya ng Japanese "Sankei Shimbun" at "the Daily Yomiuri", at sinabi nilang ayon sa working report, sa taong ito, gawing pokus ng gawain ng Pamahalaang Tsino ang mga problema ng ikabubuhay ng mga mamamayan na kinabibilangan ng paglutas sa agwat ng kita, medisina, edukasyon, seguridad na panlipunan at iba pa.