• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-03-06 17:01:58    
Tsina, pabibilisin ang konstruksyon ng modernong agrikultura

CRI

Sa preskon ngayong araw dito sa Beijing ng taunang sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC, ipinahayag ni Zhang Baowen, pangalawang ministro ng agrikultura ng Tsina na pabibilisin ng kaniyang bansa ang konstruksyon ng modernong agrikultura para maigarantiya ang seguridad ng pagkain-butil ng bansa at mapalaki ang kita ng mga magsasaka.

Sinabi ni Zhang na sa taong ito, patuloy na babaguhin ng Tsina ang paraan ng produksyon ng agrikultura, patataasin ang komprehensibong kakayahan ng produksyon at kakayahang kompetetibo sa pamilihan at palalakasin ang pagkatig sa agrikultura sa aspekto ng patakaran, siyensiya't teknolohiya, talento at iba pa.

Isiniwalat pa ni Zhang na sa taong ito, buong sikap na pauunlarin ang mga indusatriyang gaya ng pagkain-butil, cultivation at agricultural products processing at palalakasin ang mga hakabangin hinggil sa pagmomonitor sa kalidad ng produktong agrikultural at pagpigil at pagkontrol sa bird flu.