• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-03-09 10:58:24    
Mainland, hinding hindi pinahihintulutan ang paghihiwalay ng Taiwan sa inangbayan

CRI

Si Jia Qinglin, tagapangulo ng CPPCC at delegasyon ng Taiwan

Sa kaniyang paglahok kahapon sa diskusyon ng delegasyon ng Taiwan sa taunang pulong ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, NPC, ipinahayag ni Jia Qinglin, tagapangulong ng pulitikal na konsultatibong kapulungan ng mga Mamamayang Tsino, na hinding hindi magpapahintulot ang Mainland ng Tsina ng pagsasarili ng Taiwan.

Sinabi niya na noong taong 2006, iginiit ng mailand ng Tsina ang tema ng mapayapang pagpapaunlad ng relasyon ng magkabilang pampang at napanatili ang katatagan ng relasyong ito, datapuwa't buong tigas na pinaiiral ng pangasiwaan ng Taiwan ang radical na linya ng pagsasarili ng Taiwan at iniharap din kamakailan ang bagong separatibong paninindigan at ito ay isang manganganib na hakbang tungo sa "pagsasarili ng Taiwan".

Ipinahayag pa niya na ang paninindigan ng mainland ng Tsina sa pagtutol sa separatibong aktibidad ng pangasiwaan ng Taiwan ay matatag at di-magbabago at patuloy na magsisikap ang mainland para mapasulong ang relasyon ng magkabilang pampang tungo sa kapayapaan at katatagan.