• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-03-10 16:24:39    
Kagawad ng CPPCC: dapat ibayo pang pabutihin ang endowment insurance mechanism sa kanayunan

CRI

Iminungkahi dito sa Beijing ngayong araw ni Ginoong Yang Kuifu, Kagawad ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC) at Pangalawang Direktor ng Lupon ng Populasyon, Yaman at Kapaligiran ng CPPCC na dapat ibayo pang pabutihin ng Pamahalaan ang endowment insurance mechanism sa kanayunan at pataasin ang lebel ng pamumuhay ng mga matatanda sa kanayunan.

Sa isang preskong idinaos ng taunang sesyon ng CPPCC, sinabi ni Yang na ang pangangalaga sa karapatan ng kontrata ng mga matandang magsasaka ng lupain batay sa batas ay isang pinakapundamental na punto ng Pamahalaang Tsino para sa paglutas sa problema ng endowment insurance ng mga magsasaka. Bukod dito, sa kuro ng pagtatatag ng bagong medical care system sa kanayunan, dapat ipalabas ang ilang patakaran at hakbanging makakapagbigay ng pakinabang sa mga matatanda.