• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-03-12 15:08:41    
Ministro ng komersyo ng Tsina: ang pagsasanggunian ay unang plano para sa paglutas sa alitang pangkalakalan

CRI

Preskon ng taunang sesyon ng NPC ng Tsina

Ipinahayag dito sa Beijing ngayong araw ni ministro Bo Xilai ng komersyo ng Tsina na ipinalalagay ng panig Tsino na ang pagsasanggunian ay unang plano para sa paglutas sa alitang pangkalakalan.

Sa isang preskong idinaos ng taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina nang araw ring iyon, sinabi ni Bo na sapul nang sumapi sa World Trade Organization, sumisigla nang sumisigla ang mga aktibidad na komersyal. May kadagdagan ang alitang pangkalakalan sa pagitan ng Tsina at ilang trade partner nito, lalung lalo na ng Tsina at Europa at Estados Unidos. Nang lumitaw ang alitang pangkalakalan, umaasa ang Europa, Estados Unidos at iba pang pangunahing trade partner ng Tsina na malulutas ang mga alitang ito sa pamamagitan ng pagsasanggunian, humanga ang panig Tsino sa kanilang pakikitungo.