• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-03-16 14:25:30    
Batas sa Ari-arian at Batas sa Income Tax ng mga Bahay-kalakal, maalwang inaprobahan

CRI

  

Ipininid ngayong araw dito sa Beijing ang 11-araw na taunang sesyon ng pinakamataas na organong pangkapangyarihan ng Tsina-Pambansang Kongresong Bayan, NPC. Bago ang pagpipinid nito, pinagtibay ng mga kalahok na kinatawan ang burador na batas ng ari-arian at batas ng income tax ng mga bahay-kalakal at ang work report ng pamahalaang Tsino.

 

Ayon sa nasabing work report, magsisikap ang pamahalaang Tsino para mapaliit ang agwat sa lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan ng lunsod at nayon, maitatag ang sistema para maigarantiya ang saligang pamumuhay ng mga mahihirap sa kanayunan; magsisikap pa ang Tsina para mapahupa ang excess trade surplus, at unti-unting mapabuti ang di-pagkabalanse ng international payment mula sa iba't ibang aspekto at batay sa pagpapabuti sa estruktura, pagpaptaas ng benipisyo, pagpapababa ng konsumo ng enerhiya at pangangalaga sa kapaligiran, itatakda ng Tsina ang target ng paglaki ng kabuhayan sa taong ito sa mga 8%.