• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-03-16 14:44:30    
Wen Jiabao, umaasang mapapawi ng darating na pagdalaw niya sa Hapon ang hadlang sa relasyong Sino-Hapones

CRI
Ipinahayag dito sa Beijing ngayong araw ni premyer Wen Jiabao ng Tsina ang kanyang pag-asang mapapawi ng darating na pagdalaw niya sa Hapon sa susunod na buwan ang hadlang sa relasyong Sino-Hapones, at maitatatag ang isang kayariang may pangmalayuang katatagan, malusog na kaunlaran at pangkaibigang kooperasyon ng Tsina at Hapon.

Winika ito ni Wen nang makipagtagpo sa mga mamamahayag na Tsino at dayuhan pagkatapos ng pagpipinid ng taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina.

Ipinahayag ni Wen na sa panahon ng pagdalaw na ito, mararating nila ni punong ministro Abe Shinzo ng Hapon ang komong palagay hinggil sa pagtatatag ng estratehikong relasyong may mutuwal na kapakinabangan ng Tsina at Hapon, itatatag ang mekanismo ng kooperasyong pangkabuhayan ng dalawang bansa at pasusulungin ang pagpapalitan ng siyensiya't teknolohiya at edukasyon at pag-uugnayan ng mga tauhan, lalung lalo na ng mga kabataan.