• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-03-17 17:39:03    
People's Daily, binati ang pagpipinid ng sesyon ng NPC

CRI
Nagpalabas ngayong araw ng editoryal ang pahayagang People's Daily ng Tsina bilang pagbati sa pagpipinid ng ika-5 sesyon ng ika-10 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina.

Anang editorya, ang pagpapatibay sa sesyong ito ng Batas sa Ari-arian at Batas sa Income-tax ng Bahay-kalakal ay mahalaga para sa pagkukumpleto ng sosyalistang market economy ng Tsina.

Tinukoy din ng editorya, may mahalagang katuturan ang kasalukuyang taon para sa pag-unlad ng Tsina. Para maisakatuparan ang target at tungkulin ng pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa taong ito, dapat patatagin, kumpletuhin at ipatupad ang iba't ibang patakaran, pahigpitin at pabutihin ang makro-kontrol, puspusang pataasin ang kalidad at episensiya ng paglaki ng kabuhayan, bigyan ng mas malaking pansin ang pagpapaunlad ng lipunan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan at buong sikap at komprehensibong pasulungin ang konstruksyon ng kabuhayan, pulitika, kultura at lipunan ng bansa.