Ang ika-4 na China-ASEAN Expo na idaraos sa Nanning, Tsina sa darating na Oktubre ng kasalukuyang taon ay nakatakda ng apat na temang kinabibilangan ng kalakalan ng mga paninda, pagtutulungang pangpamumuhunan, sulong at angkop na teknika at pagtutulungang panturismo.
Napag-alaman ito kamakailan ng mamamahayag mula sa sekretaryat ng China-ASEAN Expo sa Nanning.
Ayon sa opisyal ng naturang sekretaryat, magkakaloob ang darating na China-ASEAN Expo ng mas magandang serbisyo para sa proyekto ng pagtutulungang pangkalakalan, at aktibo nitong paususlungin ang pagtutulungan ng Tsina at iba't ibang bansang ASEAN sa mga aspekto.
|