• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-07-28 18:23:01    
Dalawang bagong venues ng 2008 Olympics, natapos ang konstruksyon

CRI
Pormal na natapos ngayong araw ang konstruksyon ng Beijing Shooting Range Hall at Shunyi Olympic Rowing-Canoeing Park, unang dalawang venues na bagong itinayo para sa 2008 Beijing Olympic Games.

Matatagpuan ang Beijing Shooting Range Hall sa Distrito ng Shijingshan sa kanlurang Beijing at idaraos dito ang mga shooting events ng 2008 Olympics. Matatagpuan naman ang Shunyi Olympic Rowing-Canoeing Park sa Distrito ng Shunyi sa hilagang silangang Beijing at idaraos dito ang mga rowing, canoeing, kayaking and marathon swimming events.

Sa proseso ng pagdidisenyo at pagtatayo ng naturang dalawang venues, ipinatupad ang tatlong ideya ng Beijing Olympics, alalaong baga'y ang environment-friendly Olympics, technology-empowered Olympics at culture-enriched Olympics at itinakda na ang plano hinggil sa paggamit ng dalawang pasilidad na ito pagkatapos ng Olympics.

Nang araw ring iyon, idinaos ang seremonya ng paglilipat ng dalawang venues na ito sa lupong tagapag-organisa ng Beijing Olympics at bago ang Olympic Games, idaraos ang "Good Luck Beijing", Olympic testing sport events sa dalawang pasilidad na ito.