• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-10-28 09:22:34    
Ong Keng Yong: CAEXPO, malalimang impluwensiya sa ASEAN

CRI
Sinabi kagabi sa Nanning ni pangkalahatang kalihim Ong Keng Yong ng ASEAN na may impluwensiya ang China ASEAN Expo o CAEXPO sa iba't ibang industriya at sektor ng mga bansang ASEAN at nakikinabang dito ang mga bahay-kalakal ng ASEAN, kaya sa kasalukuyan, dapat buong sikap at patuloy na itaguyod nang mainam ang ekspong ito.

Sinabi ni Ong na napakahalaga ng CAEXPO para sa pagpapasulong ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN at ito ay nagsilbing isang mainam na plataporma para sa pagpapalakas ng relasyon ng dalawang panig.

Ipinahayag din niya na tumpak ang pagsasagawa ng kooperasyon sa rehiyon ng Pan Beibu Gulf sa simula ng daungan at transportasyon at palalakasin ng sekretaryat ng ASEAN ang promosyon sa mungkahing ito para lumahok sa naturang kooperasyon ang mas maraming bahay-kalakal at organo.

Salin: Liu Kai