Ipinahayag kahapon sa Nanning, punong lunsod ng lalawigang Guangxi, ni Nguyen Tan Dung, Punong Ministro ng Biyetnam na may napakagandang kapaligiran ng pamumuhunan ang kanyang bansa at umaasa siyang magsisikap hangg't makakaya ang mga negosyante ng dalawang bansa para ibayo pang mapapalakas ang kooperasyon ng Tsina at Biyetnam sa kabuhaya't kalakalan, pamumuhunan at iba pang larangan.
Sa porum ng pamumuhunan at pamamahala ng Tsina at Biyetnam na idinaos nang araw ring iyon, tinukoy ni Nguyen Tan Dung na ang Tsina ay naging pinakamalaking trade partner ng Biyetnam nitong nagdaang 3 taong singkad.
Ipinahayag naman ni Gao Hucheng, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina na ayon sa kasalukuyang tunguhin ng pag-unlad ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Biyetnam, maisasakatuparan sa itinakdang panahon ang target na magkasamang itinakda ng mga lider ng dalawang bansa na aabot sa 15 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng bilateral na kalakalan ng dalawang bansa sa 2010.
Salin: Sissi
|