Sa isang artikulong ipinalabas ngayong araw ng Xinhua News Agency, pambansang ahensiya sa pagbabalita ng Tsina, tinukoy nitong ang scientific outlook on development ay mahalagang estratehikong kaisipan na dapat igiit at ipatupad para sa pagpapaunlad ng sosyalismang may katangiang Tsino.
Anang artikulo, tinukoy ng ulat ng ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na ang Scientific outlook on development ay mahalagang estratehikong kaisipan na dapat igiit at ipatupad para sa pagpapaunlad ng sosyalismang may katangiang Tsino. Ito ay hindi lamang siyentipikong pagpapaliwanag sa ideolohiyang ito, kundi rin maging isang mahalagang ambag na historikal ng kongresong ito.
Salin: Vera
|