Nagpalabas ngayong araw ng artikulo ang Xinhua News Agency, pambansang ahensiya sa pagbabalita ng Tsina, na nagsasabing pagpapalakas ng kakayahan sa sarilinang inobasyon at pagtatatag ng bansang nagpapahalaga sa inobasyon ay nukleo ng estratehiya sa pag-unlad ng Tsina at susi sa pagpapalakas ng komprehensibong pambansang puwersa.
Anang artikulo, sa ulat ng ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina, iniharap ang buong liwanag na kahilingan sa paggigiit sa sarilinang inobasyon na may katangiang Tsino at ipatupad ang pagpapalakas ng kakayahan sa sarilinang inobasyon sa iba't ibang aspekto ng modernisasyon.
Anito pa, sa proseso ng globalisasyon ng kabuhayan, kinakaharap ng mga bahay-kalakal ang pahigpit nang pahigpit na kompetisyong pandaigdig at ang paggigiit sa sarilinang inobasyon na may katangiang Tsino at pagpapalakas ng kakayahan sa sarilinang inobasyon ay saligang solusyon dito.
Salin: Liu Kai
|