Nagpalabas ngayong araw ng artikulo ang Xinhua News Agency, pambansang ahensiya sa pagbabalita ng Tsina, na tumutukoy na sa ulat ng ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina, buong liwanag na iniharap na dapat isagawa ang estratehiya hinggil sa malayang sonang pangkalakalan o FTA para makapagbigay ng bagong tsanel at paraan ng pagpapasulong ng reporma at kaunlaran sa pamamagitan ng pagbubukas pagkaraang lumahok ang Tsina sa World Trade Organization.
Anito pa, sa hinaharap, dapat aktibo at maalwang pasulungin ang gawain hinggil sa malayang sonang pangkalakalan para unti-unting mabuo ang kooperatibong network ng malayang sonang pangkalakalan sa buong daigdig.
Salin: Liu Kai
|