Nagpalabas ngayong araw ng artikulo ang Xinhua News Agency, pambansang ahensiya sa pagbabalita ng Tsina, na nagsasabing dapat igiit ng Tsina ang tumpak na direksyong pulitikal sa proseso ng pagpapalalim ng reporma sa sistemang pulitikal.
Anang artikulo, sa proseso ng pagpapalalim ng reporma sa sistemang pulitikal, dapat gawing saligan ang paggarantiya sa pagiging panginoon ng mga mamamayan, gawing target ang pagpapalakas ng bitalidad ng partido at bansa at pagpapakilos ng kasiglahan ng mga mamamayan at dapat palawakin ang demokratikong sosyalista, itatag ang sosyalistang bansang nangangasiwa alinsunod sa batas at paunlarin ang sosyalistang sibilisasyong pampulitika.
Salin: Liu Kai
|