Nagpalabas ngayong araw ng artikulo ang Xinhua News Agency, pambansang ahensiya sa pagbabalita ng Tsina, na nagsasabing dapat kumpletuhin ang sistemang demokratiko, payamanin ang paraan ng demokrasiya at palawakin ang tsanel ng demokrasiya para maigarantiya ang pagiging panginoon ng bansa ng mga mamamayan.
Anang artikulo, sa ulat ng ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina, iniharap na dapat kumpletuhin ang sistemang demokratiko, payamanin ang paraan ng demokrasiya at palawakin ang tsanel ng demokrasiya. Ang pagpapaunlad ng sosyalistang pulitika na may katangiang Tsino ay naglatg ng matibay na pundasyon, nagturo ng tumpak na direksyon at nagbukas ng malawak na espasyo para sa pagpapaunlad ng demokrasiya at paggarantiya sa pagiging panginoon ng bansa ng mga mamamayan.
Salin: Liu Kai
|