Napag-alaman ngayong araw ng mamamahayag mula sa koordinadong grupo sa gawain ng paggarantiya sa kalidad ng hangin para sa Beijing 2008 Olympic Games na sinarhan na ng Beijing at mga lugar sa paligid nito na kinabibilangan ng Munisipalidad ng Tianjin at Lalawigang Hebei ang 10 bahay-kalakal na malubha ang polusyon para maigarantiya ang kalidad ng hangin sa panahon ng naturang Olimpiyada.
Hanggang sa kasalukuyan, ang saklaw ng paggarantiya sa kalidad ng hangin para sa Beijing Olympic Games ay napalawak sa anim na lunsod, lalawigan at rehiyong awtonomo na kinabibilangan ng Beijing, Tianjin, Hebei, Shanxi, Shandong at Inner Mongolia.
Salin: Liu Kai
|