• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-02-02 14:20:00    
Beijing, palalakasin ang pagmomonitor at pagkontrol sa seguridad ng mga inaaangkat na pagkain sa Olympics

CRI

Ibayo pang palalakasin ng Beijing ang pagmomonitor at pagkontrol sa seguridad ng mga inaangkat na pagkain, partikular na ang gawain ng pagtatala, pagsusuri at pagmomonitor sa mga materyal ng inaaangkat na pagkain para sa Olympics.

Napag-alaman ito ng mamamahayag mula sa working meeting ng Beijing hinggil sa food safety na idinaos kahapon.

Sinabi ni Zhang Zhikuan, puno ng tanggapang tagapagkoordina sa seguridad ng pagkain ng Beijing, na sa kasalukuyang taon, komprehensibong pasisimulan ng Beijing ang sistema ng pagmomonitor at pagkontrol sa seguridad ng pagkain sa Olympics, at mahigpit na isasakatuparan ang mga sistemang may kinalaman sa food safety para sa Beijing Olympics.

Sinabi rin niyang ibayo pang palalakasin ng Beijing ang pagsuperbisa at pamamahala sa mga health food.

Salin: Li Feng